Kabanata 12

15K 350 4
                                    

Don't need that

Matagal pa kaming nagusap ni Mrs Kasmey. Este Tita pala. Iyon na daw ang itawag ko sakanya starting today. Kwenento nya pa ako tungkol sakanila ng daddy ni King.

"Eighteen ako nung ligawan ako ng daddy ni King. His name is Todd Clifford Kasmey. Kilala ng mayaman ang pamilya nila sa lugar namin, pero walang nakakaalam kung ano ba talaga sila. Naging kami ng Tito. Masaya kami dahil sobrang sweet nya sakin. Hindi naman tutol ang magulang ko dahil mayaman nga sila. Nung nag isang buwan na ang relasyon namin, niyaya nya agad akong magpakasal. Nabigla ako dahil nga bata pa kami at nagaaral. Hindi nya masabi kung anong rason nya. Hanggang sa umamin nalang sya sa tunay nyang pagkatao. Natakot ako.

Nilayuan ko sya. Hindi nya naman ako pinilit. Pero ako rin mismo ang nakipagusap sakanya. Mahal na mahal ko ang Tito mo, hindi ko kayang mawala sya kaya naman punayag ako. Hindi namin sinabi sa magulang ko ang totoo dahil baka matakot lang sila.

Hinayaan nalang namin dahil hindi din naman sila nagtatanong. Naging masaya kami ng Tito Todd mo at naging anak namin si King. Ang daddy ng Tito mo ang alpha nung mga oras na iyon kaya sya ang sumunod ng mamatay ito. At ngayong tunatanda na ang Tito mo, King needs to do his jobs."

"Hindi po bang iba nalang ang maging susunod na Alpha?" Tanong ko naman.

"Pwede. Pero Kasmey na ang naging alpha simula palang nung una. Hindi pwedeng basta basta nalang namin ibahin ang pagkakasunod sunod. Kaya hanggat kaya, gagawin namin ang lahat para maipagpatuloy ang tradisyon." Paliwanag ni Tita.

"Hindi po bang iba ang pakasalan ni King?"

"Kung hindi ka talaga papayag. Pero hindi tanggap ng council kapag iba ang naging Luna ng isang alpha. Luna ang tawag sa mga babae ng wolves." Sabi ni Tita.

Nakakaloka naman yung term na babae ng wolves.

"Don't worry iha. Hindi ko naman papabilisin ang lahat. Next month ko pala planong ipakasal kayong dalawa ni King." Sabi ni Tita na ikinagulat ko.

"Po? Next month agad?"

"Hindi kasi pwedeng maabutan pang mag eighteen si King e. He will be the alpha kapag nasa tamang edad na sya at napakasalan na ang mate nya. And that's the right age." Sabi nya.

Napakamok ako sa ulo ko. "Pano po yung mga kaklase namin? Hindi nila alam na wolf si King. Anong irarason namin sakanila dahil nagpakasal kami ng maaga?"

"Ako ng bahala jan. I have a plan. Sasabihin nalang natin na family tradition ang pagpapakasal nyo ni King." Sabi ni Tita.

Hindi naman ako slow pero, parang ang hirap namang ng gagawin namin. For sure, magugulantang lahat ng tao sa school. Si Kingston Lieson Kasmey magpapakasal kay Sunshine Hernandez? Nakakaloka.

"Ah nga pala shine. Bago kayo ikasal. Gusto ko sanang sa bahay kana muna tumira starting tomorrow. Is that possible?" Nagulat ako sa sinabi ni Tita.

"Po? Ako? Titira sa bahay ninyo?"

"Yes. Pero pansamantala lang naman. Kasi after the wedding, sa sarili nyo na kayong bahay na titirahan ni King. Actually, sayo nakapangalan yung bahay na iyon kasi yung bahay namin at tong hotel ay kay King na kaya sayo nalang namin iyon ibibigay." Sabi nya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba akong sakin yung bahay o hindi e. Takte! Sakanila ako titira? Then pagkatapos ng kasal kami nalang ni King ang magsasama sa iisang bubong? Nakakaloka.

"Pano po yung mga kaibigan ko? Saka may apartment po akong tinitirahan ngayon. Nagtatrabaho pa po ako." Sabi ko.


"Shine, you don't need that. Pag nakasal na kayo ni King, kami na bahala sa expenses mo. Pati sa pamilya mo. Magpapadala kami ng tulong sakanila linggo linggo. Hindi mo kailangan pang magtrabaho." Paliwanag nya.

Naisip ko ang pamilya ko. Ano nalang ang sasabihin nila kapag nalamang magpapakasal na ako sa edad na ganto. Pero para rin naman sakanila ito e.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now