Kabanata 22

13.6K 304 1
                                    

Beautiful hair style

Kakatapos ko lang maligo. Nagre ready na ako, maya maya kasi uuwi na si tita Caroline at aalis na kami para pumuntang mall. It's Sunday today.

Nag suot ako ng cotton lace pink dress at flat shoes. Syempre yung galing parin sa walking in closet ko. Since tumira ako sa bahay ng Kasmey, minsan ko nalang suotin ang mga original kong damit.

Kumpleto narin kasi ang mga damit doon, may pantalulog, pangbahay, etc.

Habang nagsusuklay ako ng buhok sa harap ng salamin, biglang may nag text sa akin.

Minah:

Shine! Pupunta kaming mall ni Yvette mamaya? Sama ka?

Hindi ko pala nasabi sakanilang may lakad kami ni tita.

Ako:

Hindi. May lakad kami ni tita Caroline e.

Minah:

Sinong tita Caroline?

Ako:

Mama ni King.

Medyo matagal mag reply si Minah kaya pinag patuloy ko nalang ang pag aayos ko ng mukha. Naglagay ako ng konting make up.

Napatalon ako ng biglang mag ring ang cellphone ko. Tumatawag si Minah.

"Hello?"

"OMG! True ba?" Boses excited si Minah. Bakit kaya?

"Ang alin?" Tanong ko.

"Nag may lakad kayo ng mama ni King? Saan kayo pupunta? Close na ba kayo?" Sunod sunod nyang tanong.

"Min, stop annoying Shine. Hindi sya pwede diba?" Rinig ko ang boses ni Yvette.

Natawa lang ako. "Sa mall din. Gusto nya ng anak na babae kaya ayun.." hindi ko alam kung ano pang isusunod ko.

Madami pang tinanong si Minah, hinayaan ko nalang, wala pa naman si tita e.

"Sang mall daw kayo gagala?" Tanong nya.

"Hindi ko pa alam e."

Napatingin ako sa pinto ng biglang may kumatok.

"Miss Shine? Nakauwi na po si Maam Caroline, baba na daw po kayo." Sabi ng dalagang katulong.

Hindi ko parin kabisado mga pangalan nila. "Sige." Sagot ko.

"Ano yun?" Kausap ko parin pala si Minah.

"Huh? Si tita nandito na. Aalis na kami."

"Ganun? Sige. Text text nalang." She said.

"Okay." Sabi ko tapos pinatay na yung tawag.

Nagpalit lang ng damit si tita Caroline, pagkatapos ay sumakay na kami sa pulang kotse nya.

"Hay naku Shine. Nakakapagod talaga sa trabaho. I wish we have the same age. For sure best friend tayo. Right?"

Ngiti lang ako ng ngiti kapag nagsasalita si tita. Ang daldal nya. Kapag may tinatanong sya, hindi pa ako nakakasagot may isa nanaman syang tanong. Pero ang saya nyang kasama. Namiss ko tuloy si nanay. Kamusta na kaya sila?

Nang makapunta kami sa mall ay diretso agad kami ni tita sa isang sikat na Korean salon.

Gusto nya daw muna magpa ayos. Nagpa hair and make up sya. Pati ako pina ayusan narin ni tita. First time kong magpa ayos sa isang salon. Never pa akong nagpa gupit ng buhok kaya hanggang bewang na ang haba nito.

"Choose your hair cut." Inabutan ako ng koreanang hair stylish ng isang brochure na puro hair style ang pictures.

"Okay." Tinanggap ko ito.

Kailangan ba talagang gupitan yung buhok ko? Hindi ako sure. Sanay na ako sa buhok ko e. Tinignan ko si tita Caroline, busy sya sa pakikipag usap sa hair stylish nya kaya hindi ako makapag tanong. Ang hirap pumili.

"Are you done choosing?" Bumalik yung koreana.

Umiling ako. "I can't choose. Sorry."

"It's okay. Do you want me to do what's fits on you then?"

Tumingin ako sa salamin, nakita kong nakangiti sakin yung koreana. Ang ganda ng buhok nya. Huminga ako ng malalim saka tumango, mabilis nyang hinawakan ang buhok ko.

Bahala na. May tiwala naman ako sa salon na ito e. Bukang bibig ito ni Minah pati narin ng ibang studyante sa school kaya sure na maganda talaga silang gumawa. Kita rin naman sa mga pictures ng models nila e.

3 hours na kami sa salon. Tinitignan ko lang ang ginagawa nung koreana sa buhok ko. Parang ang gaan gaan lang sakanya ng pag aayos.

Napapikit ako ng bigla nyang gupitan ang buhok ko.

Narinig ko ang tumawa sya. "Do you want to keep your hair?"

Tinignan ko yung buhok ko sa sahig. Ginupit na ito kaya dapat nang i-let go. Feeling ko kasi sa pagpapa gupit ko ay bagong buhay narin ang dadating sakin. "Nope." Sagot ko.

Isang oras pa ang nakalipas ay natapos narin kami. Inutusan akong pumikit ng koreana para surprise daw. Sumunod naman ako.

"Okay. You can look now." Bulong ng koreana.

Dahan dahan kong dinilat ang mata ko. Halos mapatakip ako ng bibig dahil sa nakita sa harap ng salamin. Ang ganda ko. Hanggang kili kili nalang ang haba ng buhok ko, may full bangs din ako. Kumi kining ang kulay brown sa buhok, konti nalang ang itim. Ewan ko. Feeling ko koreana na rin ako. Hahaha.

"Wow. You look beautiful Shine." Napatingin ako sa nagsalita si tita Caroline.

Hanggang balikat nalang ang haba ng buhok nya, para pula ang kulay nito at kulot. May side bangs sya. Bagay sakanya. Mas lalo syang nag mukhang bata. Mas bagay ito sakanya kesa noong mahaba pa ang buhok nya. Lagi kasi syang naka bun, this time okay lang kahit nakalugay.

"Ikaw din po tita." I smiled.

Ngumiti rin sya tapos kinuha yung cellphone nya sa bag. "Let's take a picture."

Nag picturan kami sa salon. Minsan kasama yung mga hair stylish, minsan ako lang mag isa or minsan si tita lang mag isa. Pero mas madami syang shots. Pati ang mga kuko naming may nail art ay may pictures din.

Pagkatapos sa salon ay bumili naman kami ng ilang damit. Kahit ayaw ko naman ay nag pumilit talaga si tita.

Binilhan nya rin ng damit sila nanay at tatay pati narin ang kapatid ko.

"Tita, thank you po sa lahat ah?" Sabi ko pagkalabas namin sa isang store ng sapatos.

"Ako dapat ang mag pasalamat sayo, Shine. Tinanggap mo ang anak ko but most of all, tinupad mo ang isa kong pangarap..to have a daughter like you." Aniya.

Nagyakapan kami saglit. Tapos ay nag yaya na syang kumain.

Habang naghahanap kami ni tita ng makakainan, biglang may nag text sakin.

Kingston:

You look beautiful in that hair style.

Kumalabog ng sobra ang dindib ko. Gusto kong tumili ang magtatalon pero kailangan kong mag pigil.

Teka! Pano nya nalamang nagpa gupit ako?

Ako:

Pano mo nalamang nagpa gupit ako?

Tumingin ako sa paligid, baka nandito din sa mall si King at sinusundan kami?

Kingston:

My mom send me a pictures of you.

Hindi lang isa? Pictures e. Shocks. I want to die pero joke lang yun, mag papakasal pa kami ni King e. Aish! Ano bang pinag iisip mo Sunshine Hernandez. Nababaliw ka na talaga.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now