Kabanata 37

13.8K 293 5
                                    

Birthday ni King

One week ang ang nakakalipas. Isang araw nalang bago ang 18th birthday ni King. Hanggang ngayon, wala parin akong maisip na ireregalo sakanya.

"Ano bang sabi nya sayo? May gusto ba daw syang matanggap?" Tanong ni Minah.

Nasa mall kami ngayon, kasama rin namin si Yvette. Si Minah, relo ang regalo kay King, si Yvette naman William Shakespeare na libro.

Umiling ako. "Wala. Kapag tinatanong ko sya, ayaw nyang sumagot. Okay lang daw."

"Baka wala naman talaga syang gustong matanggap? Nasa kanya na ang lahat nang bagay." Ani Yvette.

"Tama." Pagsang-ayon ni Minah. "OMG!" Nagulat sa bigla nyang pagsigaw.

"Bakit?" Tanong ko.

"Hindi kaya gusto ni King matanggap ay ikaw mismo Shine?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Minah.

"Huh? Anong pinagsasabi mo dyan?" Pagtataka ko.

"May point si Minah." Lalo akong nabigla nang sumang-ayon si Yvette kay Minah, minsan nya lang gawin yun.

"Matagal narin since nagpakasal kayo, hindi kaya dapat mo nang ibigay sakanya ang kailangan nya?" Ani Minah.

"What? Ano ba naman kayo!" Nag-lakad ako. Sumunod naman sila.

"Shine, lalaki si King. Saka ano namang problema don? Mag-asawa naman kayo? Saka mahal nyo na ang isa't isa diba?" Dugtong ni Minah.

Napatakip ako nang mukha. Hindi ko ma-take ang lahat nang sinasabi sakin nila Minah at Yvette. Bakit ganun? Kahit mahal ko si King, hindi ko ma-imagine na gagawin namin yung bagay na yun. "Hindi ko ma-imagine." Sabi ko.

"Hindi mo talaga mai-imagine yun, Shine. Because it's magical. Bigla mo nalang mararamdaman yung init at-"

"Nasa mall tayo Min, baka may makarinig satin." Putol ni Yvette kay Minah.

"Basta. Ganun yun, girl." Dugtong ni Minah.

Kinabukasan, maaga kaming sinundo nila mommy Caroline at daddy Todd. Sisimulan na kasi ang seremonya nang paglilipat ni daddy kay King nang pagiging Alpha. Naka sakay kami ngayon sa pulang van. Pagmamay-ari din ng mga Kasmey.

"Anong problema mo?" Tanong ni King. Kanina ko pa kasi sya tinitignan. Naka white v-neck shirt at maong short syang hanggang tuhod, tapos naka-air max na kulay blue and white.

"Wala." Kahit meron naman talaga. Simula pag-uwi ko galing mall, naalaa ko parin yung pinag-usapan namin nila Minah at Yvette.

Inayos ko ang sleeves nang suot kong flannel. Kulay violet and white ito, may suot din akong puting sando na pang-loob tapos naka maong na short. Naka sneakers lang ako. Sinabihan kami ni mommy na wag nang masyadong mag-bihis. Kahit sila ni daddy Todd simple lang din ang mga suot. Mamayang gabi pa kasi talaga ang birthday party ni King, sa hotel ulit gaganapin.

Habang tumatagal ang byahe namin, mas lalong dumadami ang mga puno at gubat na nadadaanan namin. Medyo malayo narin kami sa syudad. Huminto ang van sa tapat nang isang malaking gubat, ang tataas nang puno.

"Hindi na po kayang ipasok ang van sa loob nan gubat. Kailangan na po nating lakarin." Sabi nang matandang Butler kina mommy at daddy.

"Okay lang. Ready naman kami e." Ngumiti si mommy. "Diba mga anak?" Tumingin sya samin ni King. Tumungo lang ako habang nakangiti.

Buti nalang talaga naka-sneakers ako ngayon, ang haba nang nilakad namin. Sa gitna pa daw kasi nang gubat naghihintay ang council. Inaalalayan ako ni King sa paglalakad, madami kasing nagkalat na sanga nang kahoy sa paligid. Pagkarating namin doon, may grupo na ng mga wolf ang naka-abang, nasa likod sila nang malaking bonfire. Maaga pa pero parang nagdidilim ang langit. Bigla akong nakaramdam nang kaba.

Her Husband is a Wolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon