Kabanata 52

13K 249 1
                                    

Pinapangako ko



Nag-sinungaling ako sa mga kaibigan ko, hindi na ako sumunod sakanila, dumiretso ako sa bahay. Wala si mommy Caroline.


"Oh? Ang aga naman ng uwian nyo, Shine?" Salubong sakin ni Manang Daisy.

"Umuwi lang po ako." Sagot ko.


"Bakit?" Nilapitan nya ako."Masama ba ang pakiramdam mo?" She added.

Umiling ako. "Hindi po." I smiled. "Akyat na po muna ako." Paalam ko. Wala na namang sinabi pa si Manang kaya umakyat na ako sa kwarto ni King.



Umupo ako sa kama at kinuha ang aking cellphone sa bag. Nag-type ako ng mensahe para kay King.


Ako:

Pwede ba kitang makausap? King, I need your explanation. I need you right now.


Kasabay ng pag-send ko ng message, tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan, ayokong ipakita sa mga kaibigan ko ang emosyon ko. Matagal bago ako tumigil sa pag-iyak, hanggang sa makaisip ako ng aking gagawin.


Matagal pa ang balik ni King, hindi ko alam kung kailan. Gusto kong makapag-isip isip, bibigyan ko ng pagkakataon si King na ipaliwanag ang kung ano man nasa litratong iyon, pero hindi nya iyon magagawa ngayon. Hihintayin ko sya, pero hindi dito. Nag-desisyon akong tumirang mag-isa sa rest house namin, titigil ako sa pag-aaral at aalagaan muna ang aking sarili, magfo-focus ako sa magiging anak namin ni King. Sana lang ay bago ako manganak, maayos na ang lahat.


Pagka-uwi ni mommy Caroline, sinabi ko agad sakanya ang plano ko, nagdadalawang isip sya kung papayagan ako.


"Shine, mag-isa ka lang doon? Kaya mo ba?" Pag-aalaa ni mommy. Pang-ilang tanong nya na kung kaya ko ba.


"Opo. Hindi ko naman ito ipapaalam sainyo kung hindi ko kaya e." Rason ko.



"Hindi talaga ako komportable, Shine. Mag-aala't mag-aalala ako sayo, lalo na't buntis ka pa ngayon." Aniya.


"Lagi naman po akong tatawag."



"May nangyari ba? Bakit biglaan ata itong plano mo?" Agad akong umiling sa tanong ni mommy.


"Gusto ko lang po mag-focus sa pagbubuntis ko." Ngumiti ako.


"Okay..but in one condition.." Hinintay ko ang susunod na sasabihin ni mommy. "I will call your nanay, papapuntahin ko sya dito para makasama mo sa rest house."


Hindi na ako umangal sa gusto ni mommy, alam ko naman hindi ko kakayanin kapag mag-isa lang ako, lalo na kapag lumaki na itong tyan ko. Kinikirot parin ang puso ko habang iniisip na hanggang sa lumaki nalang ang tyan ko ay hindi ko parin kasama si King tapos may iba pang babae ang nakakasama nya. Gusto kong sumuko at umiyak nalang, pero makakasama iyon sa baby ko.


Kinabukasan ay pumasok pa ako ng school, binigay ko na sa mga professor ko ang dropping form ko. Nagpaalam narin ako sa mga classmates at kaibigan ko.


"Guys, titigil muna ako sa pag-aaral, maybe next year nalang pagnaka-panganak na ako. I want to focus on my baby." Sabi ko sakanila.


"We understand you, Shine. Sana maging malusog kayo ng baby mo." Sabi ni Red.



"Who's with you? Kasama mo ba si King sa rest house nyo?" Tanong ni Niel.


Umiling ako. "Nasa Europe parin sya, baka matagal pa bago sya makauwi kaya nanay ko muna ang kasama ko doon."


Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now