Kabanata 13

14.8K 358 2
                                    

Welcome

Nagaayos na ako ng gamit ngayon. Pumayag akong lumipat sa bahay ng mga Kasmey, pero sa isang kondisyon, magtratrabaho parin ako. Ayokong humingi ng pera sakanila para sa allowance ko araw araw. Tama na sakin yung scholarship ni Tita Caroline.

"Friend, promise! Naiinggit talaga ako sayo. Sana ako nalang. Akalain mo yun, titira ka sa bahay ng mga Kasmey? Makakasama mo si King?" Sabi ni Minah na mukhang mas excited pa sakin.

"Ano namang kasaya saya dun Min?" Basag ni Yve.

"Tch. Ang KJ talaga kahit kelan." Bulong ni Minah sakin.

Tinawanan ko lang sila.


"Pano? Itatawag naba kita ng Taxi?" Tanong ni Minah pagkalabas namin ng apartment.

"Hindi na ata kailangan e." Sabi ni Yve habang nakatingin sa likod ko.

Sabay naman kami ni Minah tumingin sa likuran.

"Good day Miss Sunshine! Pinapasundo na po kayo ni Madam Caroline." Sabi ng nakasuit and tie na si Butler Ken.

"Kuya Ken!" Sabi ko.

"Butler Ken nalang po Miss!" Sagot nya naman sakin.

"Friend, magkakilala kayo? Butler ba sya ng mga Kasmey? Ang gwapo ah." Bulong naman sakin ni Minah.

Nginitian ko lang siya. "Pano! Dito nako. Kita nalang tayo sa school ah!"

"Sige. Magtext ka hah." Sabi ni Yve.

"Oo naman."

Nagpaalam na kami sa isa't isa. Sumakay naman ako sa itim na kotseng dala ni kuya Ken. Ayoko syang tawaging Butler e. Sa backseat ako nakaupo, sya naman ang nagdadrive.

"Kuya Ken, nandun po ba sila Mrs Kasmey sakanila ngayon?" Tanong ko.

"Opo Miss! Hinihintay nya na po kayo, pati narin si Don Todd." Sagot nya.

"Nandun rin ba si King?"

"Opo Miss!" Sagot nyang nakangiti.

Ano bang inaasahan ko? Bahay nya rin yun kaya malamang nandun rin sya. Hay naku Sunshine. Naloloka kana nga.

Pumasok kami sa isang village. Mga tatlong sakay siguro mula sa apartment namin. Nakatingin lang ako sa labas ng kotse at pinagmamasdan ang mga dinaraanan naming lugar.

Hanggang sa huminto ang kotse sa labas ng napakalaking kulay gold na gate.

Automatic itong bumukas tapos pumasok na kami, pagkatingin ko sa loob, hindi agad makikita ang bahay dahil nasa dulo pa. May straight na daan pa kasi simula sa gate. Sa gilid naman, makikita mo ang malawak na damuhan at isang swimming pool. May basketball court pa sa kabilang dako ng bahay. Ang laki. Mayaman nga talaga sila.


Huminto na kami sa harap ng double doors ng mala mansiong bahay. As in Mansion pala talaga. Naunang bumaba si kuya Ken para pagbuksan ako ng pinto ng kotse.

"Miss, pwede na po kayong bumaba." Nakangiti nyang sinabi.

Ngumiti naman ako at lumabas narin.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob, si kuya Ken parin ang nagbukas ng double doors.

Natanaw ko agad si King na nakaupo sa sofa habang ang mommy nya naman ay lumabas galing kusina ata nila ng marinig na dumating na kami.

"Shine. You're here!" Bineso ako ni Tita.

Inilapag naman ni kuya Ken ang mga dala kong gamit.

"Salamat Butler Ken. Paki lagay nalang yan sa loob ng kwarto ni Shine." Utos ni Tita.

"Sige po Madam." Sabi ni Ken at umakyat na sa second floor ng bahay.

"Oh! King, hindi mo ba babatiin ang asawa mo? She's living with us starting today." Baling ni Tita kay King.


Lumapit naman si King sakin at hinalikan ang pisngi ko. "Welcome!" Ngumiti sya.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now