Kabanata 49

12.2K 215 7
                                    

Simpleng tulad mo

Sumama kami ni mommy Caroline sa paghatid kina King at Shasha sa airport, sa isang private plane sila sasakay. Hindi ko talaga kayang paalisin si King. Paulit-ulit ko parin syang pinipigilan.

"Babalik agad ako, pangako." Pagpapakalma sakin ni King. Naiiyak na talaga ako.

"Sasama nalang ako." I hugged him.

Hinalikan nya ang ulo ko. "Wag na, hindi naman ako magtatagal e. Saka.." Nilapit ni King ang bibig nya sa tenga ko. "Gagawa pa tayo ng future alpha." He laughed.

Pinalo ko sya sa dibdib. "Baliw ka." Tumawa lang ang loko. May luha na sa mga mata ko pero hindi naman bumabagsak. "Bilisan mo ah?" Ma-amo kong sinabi.

Tumango sya. "Opo. Pangako!" Hinalikan ako ni King sa labi. Wala na akong pakealam kong may mga taong nakakakita samin. I just want to taste him. Ang lambot talaga ng labi nya. I can't resist it. "I love you, my Sunshine." Aniya pagkatapos akong halikan.

"I love you too, my King." Nginitian ko sya kahit sa loob ko ay ayaw ko paring pumayag.

Sinundan ko ng mata si King hanggang sa pumila sya sa departure area, hindi ko na mapigilan ang luha ko. Umaagos nalang kahit ayaw ko. Sana ay wolf narin ako para makasama ako kay King. I want to be with him always.

"Wait.." Narinig kong sabi ni King kay Shasha, sila na ang papasok. Tumakbo si King pabalik sakin. "Last one." Aniya at hinalikan ako sa labi. "I will miss you, Shine. Wag kang lalapit sa ibang lalaki ah?" Aniya.

Kahit alam kong imposible iyong gusto nya ay nagawa ko paring tumango. "Ikaw din.." sumulyap ako kay Shasha na mukhang iretable na. "No girls allowed." Dugtong ko.

"No girls allowed." Pag-uulit nya. "Mahal kita." Nginitian nya ako.

"Mahal din kita." I answered.

"King, tell your dad I miss him, alright?" Putol samin ni mommy Caroline. Muntik ko nang makalimuta na kasama pala namin sya.

"Yes mom. I will." Ani King at bumalik sakin ang tingin, ginulo nya ang buhok tapos inayos din ito. He touched my cheeks, parang inaaral nya talaga ang mukha ko. He kissed my nostril bago tuluyan ng umalis.

Umuwi kami ni mommy Caroline na tahimik lang ako, sya lang ang nagsasalita samin. "Alam mo Shine, parehong-pareho tayo ng reaksyon nung unang beses umalis ang daddy Todd nyo para makipag-laban sa mga wolf." She said.

Napatingin ako sakanya. May bigla akong naalalang itanong. "Ga-gaano po ba katagal nagaganap ang labanan nila doon?"

Nag-isip si mommy Caroline. "Your daddy's gone for almost two years before." Hindi ko inaasahan ang sagot ni mommy.

"Ganun po katagal?" Gulat kong tanong.

She nodded. "Depende kung gaano katagal ang paguusap nila. Minsan kasi may mga hearing ding nagaganap sa council kapag ayaw naman makipag-laban ng parehong kampo."

So, pwedeng dalawang taon ding mawawala si King? Paano ang pag-aaral nya? Paano ang pamilya nya? Paano ako? Oo, alam ko namang makakapag-usap parin kami pero syempre iba parin iyong personal. Iniisip ko palang naiiyak na ako. Anong gagawin ko? Baka hindi ako makapag-focus sa school dahil sya lang ang laging nasa isip ko?

Hinawakan ni mommy Caroline ang kamay ko. "Don't worry, Shine. Nangako si King sayo, he never broke his promise. Walang mangyayaring masama sakanya, kasama nya ang daddy nyo, his other relatives there." Ngumiti lang ako.

Pag-uwi namin ni mommy Caroline sa mansion, nag-decide ako na sa kwarto ni King nalang matulog habang wala sya, nang sa ganun ay hindi ko sya gaanung mamiss.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now