Kabanata 5

22.5K 579 12
                                    

Kuyang biceps

Tabi tabi kami nila Minah at Yvette sa upuan. Sa tabing bintana ako nakaupo, si Minah sa gitna, kaliwa nya ako, tapos si Yvette sa kanan ni Minah. Sa pangatlo kami bago magdulo nang mga upuan. Limang row lang ang meron.

"Sana may pogi tayong classmate nuh?" Bulong samin ni Minah.

"Asus! Puro pogi nalang nasa utak mo Minah, magaral ka muna." Sagot ni Yvette.

"Ang KJ mo talaga Yve. Hindi naman ako araw araw naghahanap ng pogi ah?" Parang Nagpapaawa yung mukha ni Minah. Natawa tawa lang ako.

8am ang pasok namin, pero 8:10am na wala pa kaming professor. Dahil ba first day of school? Grabe naman.

Nagkwekwentuhan parin kami nila Minah at Yvette nang biglang nagtilian ang mga kaklase naming babae. Napatingin naman agad kami sa pumasok.

"Putcha ang pogi!" Sabi ko sa sarili ko.

Grabe! Ang gwapo nung tatlong lalaking kakapasok lang sa room namin. Yung isa mukhang amerikano yung isa mukha namang Japanese tas yung nasa gitna, mukha koreano na amerikano. Basta. Ang pogi nila. Pero yung nasa gitna, kahit naka uniform sya, kitang kita talaga yung biceps nya. Ang yummy! Nakakaloka.

"Classmate ba naten sila?" Tanong ni Minah.

"Oo ata!" Sagot ko na nakatingin parin sa tatlong lalaki.

Naunang umupo yung dalawang kasama ni kuyang biceps, pero bago sya maupo, tinitigan nya ako sa mata. Biglang bumilis ang tibok ang puso. Kinakabahan ako.

"Bakla! Namumula ka!" Sabi sakin ni Minah. Nakaupo na si kuyang biceps.

Napahawak naman ako sa mukha ko.

Hindi rin nagtagal, dumating na ang prof namin. Si Miss KC. Sabi nya yun daw itawag namin sakanya e. Dalaga pa daw sya at walang planong magasawa kasi sinaktan sya ng ex nya. Naku naman! i-MMK na yan.

Sinabi lang samin ni Miss KC ang mga rules and regulations nya sa labas at loob ng school. Saka sya rin ang adviser namin.

Break time na. Syempre, sabay sabay parin kaming tatlo.

"Ano kayang pangalan ni kuyang biceps?" Napatakip ako sa bibig ko nang bigla kong natanong kina Minah at Yvette yun.

Napatingin silang dalawa sa akin.

"Ayyyiiee! Si bakla may crush kay King." Asar sakin ni Minah.

"Pwede ba, crush agad? Ang yummy nya lang. Saka kilala mo pala sya?" Iniba ko na yung usapan.

"Oo. Tinext ko yung kaibigan kong madaming kilalang pogi dito sa school, Kingston Liekos Kasmey! One of the richest and famous student here, may ari nang Kasmey Hotel ang pamilya nila, at ang Kasmey, may iba't ibang branch na around the word. Diba ang bongga? Mayaman na gwapo pa." Sabi ni Minah.

Nawindang ako sa talambuhay ni kuyang biceps ah. I mean, King pala. Pangalan palang pang mayaman na.

"Mayaman at pogi nga, matalino naman ba?" Pakipot pa ako.

Hinampas ako ni Minah sa balikat, "Bakla ka! May scholarship sya sa Harvard university. Hindi lang alam nang friend ko kung bakit hindi sya doon nagaral."

Edi wow na talaga kay kuyang biceps. Perfect. Pero nobody's perfect diba? "Pustahan? Masama ugali nyan?" Sabi ko.

"Let see." Nangiti si Minah.

Habang nakain kami sa canteen, nagkwekwentuhan parin kami nila Minah at Yvette.

"Bakla crush mo talaga si King nuh?" Inaasar parin ako ni Minah.

"Baliw hindi nga!" Deny ko.

"Ayyyiieee! Si BAKLA!" Pangasar talaga to si Minah.

"Stop calling her Bakla, she's not a gay!" Biglang may nagsalitang lalaki sa likuran ko.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now