Kabanata 3

24.7K 569 6
                                    

Custom Student

Nilalagay ko sa bakanteng cabinet ang mga damit ko. Sabi naman ni Tita Cora gamitin ko daw pag walang laman e. Nagsimula akong kumanta nang blank space ni Taylor Swift.

"Nice to meet you, where you been.."

Kanta lang ako ng kanta. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

"So it's gonna be forever.." Sumabay sa pagkanta yung unang babaeng pumasok dalawa kasi sila. Baka sila na ang karoom mate ko?

"HELLO!" Sigaw nung unang babae at umupo sa tabi ko.

"Hi!" Nahihiya pa ako.

"Ikaw ba yung sabi ni Madam Cora na new room mate namin? Ako nga pala si Minah sya naman si Yvette!" Tinuro ni Minah si Yvette na nakatayo sa tabi ng pinto.

"Ako nga pala si Sunshine Hernandez." Ngumiti ako.

"Alam mo naba kung saan ang kama mo?" Biglang tanong ni Yvette.

"Huh?" Tumingin ako sa mga kama. Ngayon ko lang din napansin na double deck lang pala ang higaan dito. Oo nga saan nga ako hihiga?

"Dito oh!" May hinila si Minah sa ilalim ng unang higaan. Kama rin, kapantay lang ng laki sa kama ng double deck.

"Jan ka hihiga, Si Minah naman jan sa unang higaan tas ako naman sa taas." Sabi ulit ni Yvette.

"Ah okay!" Sabi ko tapos lumabas na ulit si Yvette sa kwarto.

"Oy pagpasensyahan mo nalang si Yve hah! Lagi atang may dalaw yan e. Pero mabait naman sya minsan." Tumawa si Minah.

"Bago ka lang ba dito sa Manila? Mukha ka kasing probinsyana e. No offense!" Ngumiti sya.

"Ah okay lang. Oo bago lang ako dito. Taga Cebu ako e. Magaaral kasi ako dito sa Manila." Sabi ko.

"Talaga? Taga Cebu ka? Nakikita ko sa TV maganda doon e. Madaming beach, saka mga pasyalan. Gosh! Gusto kong pumunta doon!" Kinikilig si Minah habang nagsasalita.

"Oo maganda talaga doon! Madaming tourist destination." Sabi ko.

"Wow! Ang sarap sigurong tumira doon nuh? Tahimik tapos puro magagandang lugar lang ang makikita!" Dugtong pa ni Minah.

"Maganda sana kung maganda rin ang pamumuhay!" Sabi ko.

"Huh? What do you mean?" Tanong ni Minah.

"Mahirap lang kasi kami doon e. Kaya kailangan kong makapagaral at maghanap ng magandang trabaho para makatulong sa pamilya ko." Nakatitig sakin si Minah. Tapos maya maya, parang naluluha na sya.

"Ganun ba? Ako kasi ang babaw lang lang dahilan ko kung bakit ako umalis nang bahay namin e. Gusto ko lang maging independent. Hindi ko inisip kung makakatulong ba ako sa magulang ko o hindi." Hinimas himas ko ang likod ni Minah para tumahan sya.

"Ano kaba! Wala lang yun. Importante lang naman mahal mo ang pamilya mo at handa kang tulungan sila kahit anong oras.Wag kanang umiyak. Ano kaba!" Ngumiti ako.

Niyakap ko na si Minah para matigil na sya sa pagiyak. Mala MMK ata ang storya nang buhay ko e. Baka pag pinadala ko to kay ate Charo, madaming maantig ang damdamin.

"Teka diba sabi mo magaaral ka dito? College ba? Ano namang course mo?" Tanong ni Minah nang mahinto na sya sa pagiyak.

"Ah! May scholarship ako sa University Manila, custom ang course ko." Sabi ko.

"Talaga?" Napahiyaw si Minah.

"Oo bakit?" Tanong ko.

"Bakla! Pareho tayong tatlo ni Yvette." Sabi nya.

Medyo nahisayahan ako doon, buti naman at may kaibigan na agad ako sa pasukan. Hindi na ako mahihirapan magadopt sa bago kong buhay dito sa Manila.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now