Kabanata 43

11.2K 222 1
                                    

Mamatay

Pangalang araw na nang burol ni wuwa. Sabi ni mommy Caroline, 3 days lang ang tinatagal nang burol ng mga wolf, pero dahil tao si wuwa, isang linggo ang burol nya.

Hanggang ngayon hindi parin kumakain si King, pero kapag binibigyan ko sya nang kape o kahit anong maiinom ay tinatanggap nya naman, kalahati nga lang ang iniinom nya.

"Ate Shine, ayaw parin po ba kumain ni kuya King?" Tanong ni Debbie, magkatabi kami sa upuan. Nag-uusap usap kasi sina mommy at tita Kristine, si daddy Todd naman kasama ang ilang pinsan nya sa side ni wuwa.

Umiling ako sa tanong ni Debbie. "Ayaw parin e."

"Nag-aalala na ako sakanya." Aniya tapos tumingin kay King.

"Pareho lang tayo. Sobrang nalulungkot si King." Tumingin din ako sa asawa ko, tapos bumaling ulit kay Debbie. "Kamusta na pala kayo nang mommy mo? Dito naba ulit kayo titira?"

Umiling sya. "Hindi. Babalik kami sa England pagkatapos nang burol, hindi kasi pinapayagan si daddy'ng bumalik dito e. Baka permanent na kami dun, ate." Aniya.

"Ganun ba?" Humarap ako kay Debbie at hinawakan ang kamay nya. "Debbie, sorry hah? Dahil samin nalaman ang sekreto nang daddy mo, kailangan mo pa tuloy mapag-daanan to." Sabi ko sakanya.

"Hindi nyo naman kasalanan ate e, si daddy ang nag-sinungaling sating lahat, it's his fault. Okay lang ako, tsaka dadalaw naman kami dito e." Aniya tapos ngumiti. Nginitian ko rin sya.

Mabuti naman at kahit bata pa si Debbie, naiintindihan nya na ang lahat, mabait na bata si Debbie at close narin kami kaya ayokong mag-tanim sya nang sama nang loob samin ni King.

"King, magpalit ka muna nang damit." Inabot ko kay King paper bag na may lamang damit nya.

Umuwi kasi kanina sila mommy sa mansion, wala kaming dalang damit kaya kinuhanan nya nalang kami ni King. Nakapag-palit na ako nang itim na dress na may pink na belt, naka-pink din akong strappy sandals.

"King, sige na magpalit ka muna." Ulit ko kay King, hindi nya kasi ako pinapansin. "King, saglit lang naman yun e, magpalit kana, please." Tumingin na sya sakin tapos sa inaabot kong paper bag.

Tumingin ulit sya sakin tapos kinuha yung paper bag, pagtayo nya, sinundan ko sya nang tingin habang papunta sa cr. Wala pang 3 minutes nang lumabas si King nang banyo, naka-itim syang v-neck shirt tapos khaki short na black din, pareho kaming naka-strappy sandal, black lang yung kanya. Bumalik na sya sa kinauupuan nya.

"Ate Shine, kain na daw po tayo nang lunch." Ani Debbie nang puntahan kami.

Tumingin ako kay King bago sumagot kay Debbie. "Sige mauna na kayo. Sabay nalang kami ni King mamaya."

"Okay po." Ani Debbie at umalis na.

Hindi ko nalang tinanong si King kung gusto nyang kumain, pareho lang kaming nakaupo at nakatingin sa picture ni wuwa.

"Kumain kana." Napatingin ako kay King, he's not looking at me.

"Paano ka? Hindi ka pa kakain?" I asked.

"Hindi ako nagugutom." Sagot nya.

"Pero, hindi ka pa kumakain, puro kape nalang yang nasa tyan mo. Baka kung anong mangyari sayo. Siguradong magagalit si wuwa kapag nakita ang ginagawa mo." Ani ko.

Bigla syang tumingin sakin. Nakaramdam nanaman ako nang takot. "Wala akong pakealam kung mamatay man ako."

Nakaramdam ako nang lungkot sa sinabi ni King. Bakit nya sinabi yun? Hindi nya man lang ba naisip na hindi pa katapusan nang mundo? Oo, nalulungkot din kami sa pagkawala ni wuwa, pero hindi naman sya nag-iisa e, nandito kaming pamilya nya para sandalan nya. Hindi ko namalayan ang pagtulo nang luha ko.

Her Husband is a Wolf (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt