Kabanata 33

13.1K 305 6
                                    

Lock your door

Kinabukasan, sinadya ko talagang magising nang 5 am. Kami nalang ni King ang nakatira sa iisang bahay ngayon, wala nang magluluto para samin. Binuksan ko ang double doors na refrigerator para tignan kung anong pwedeng lutuin. Punong puno ang loob nang ref, mga mga gulay, karne. Basta kompleto na, kailangan nalang lutuin.

Dahil breakfast palang naman, bacon, egg at fried rice lang muna ang niluto ko. Napansin kong hindi nagka-kape si King, gatas lang ang iniinom nya sa umaga kaya iyon ang tinimpla ko, sakin naman ay black coffee. Nakasanayan ko nang mag-kape kapag umaga.

Pagkatapos kong ihanda ang lahat, umakyat na ulit ako sa second floor at kinatok ang pinto nang kwarto ni King. "King! Gising na. Breakfast na tayo!" Walang sumasagot. Tulog na tulog pa ata. "King?"

Naka-ilang tawag pa ako pero hindi parin sya sumasagot. "Baka lumamig iyong gatas nya?" Pinihit ko ang doorknob, hindi naka-lock. Dahan dahan ko nang binuksan ang pinto nya. "King?" Bulong ko.

Nanlaki ang mata ko nang makitang topless si King habang tulog na tulog sa master bed. Medyo nakadapa sya matulog pero shocks! Yung abs nya nakikita parin. Hindi ko sure kung naka-suot ba sya nang pang-baba o hindi. Nakatakip kasi nang kumot ang waist nya pababa. Bakit parang na-disappoint pa ako na may kumot? Naku! Nakakaloka ka talaga Shine!

Huminga ako nang malalim bago lumapit kay King. Umupo ako sa gilid nang kama nya tapos dahan dahan syang kinilabit. "King! Gising kana!"

Dahan dahan syang dumilat. Ang gwapo nya pag bagong gising! Kyaa! "Nananaginip parin ba ako?" Nagtaka ako sa tinanong nya.

"King?" I called him. Parang tulog pa kasi sya e.

Bigla nyang hinawakan ang pisngi ko. "I feel your temperature. Totoo ka!" Napangiti sya.

"King! Totoo ako. Hindi ka nananaginip." Parang nabigla sya sa sinabi ko. Nanlaki ang mata nya at agad na lumayo sakin.

"Shit Sunshine Kasmey!" Mura nya na parang may ginawa akong masaa sakanya. "Bakit nandito ka sa kwarto ko? Akala ko ba pinapa-hintay mo ako?"

"Huh?" Hindi ko sya maintindihan. Pero bigla akong napatingin sa pangbaba nya. He's wearing a boxer. Just a boxer. "Aaaaaahhh!" Tumili ako tapos agad na tinakpan ang mata. Shocks! Nakita ko yung ano nya. Nakatayo. WTF!

"Sorry! Sorry!" Narinig ko ang pagtakbo nya papunta atang banyo. Inalis ko na ang pagtakip ko sa mata ko. Nakakaloka talaga yun.

Pagkababa ni King, naka-uniform na sya. Naligo narin ako at nagbihis pagkalabas ko nang kwarto nya kanina. Nag-timpla nalang ulit ako nang kape at gatas. "Kain na!" Anyaya ko sakanya.

Umupo na kami, magkatapat kami nang inuupuan. Shit! Ang awkward.

"Ano-" Sabay pa kami.

"Sige mauna kana." Sabi nya.

"Sige ikaw na." Wala naman talaga akong maisip na sabihin e.

Hinintay ko ang sasabihin nya. "Please.." Nagkatinginan kami. "Lock your door every time."

"Huh? Bakit?" Pagtataka ko.

Ginulo nya ang buhok nya tapos huminga nang malalim. "Basta. Gawin mo nalang!" Utos nya.

"Okay!" Sabi ko tapos kumain na ulit. Ano kayang ibig sabihin ni King sa lock your door? Ang weird.

Ikaw nalang mag-hawak nang susi. Okay?" Bilin ni King pagkalabas namin nang bahay. Hinihintay na kami ni kuya Chris sa gate.

Tumungo nalang ako sakanya. Pinag-buksan nya ako nang pinto nang kotse. Pero bago pa ako makapasok, biglang nag-ring ang cellphone ko. "From unknown number." Sabi ko kay King nang makita kung sino iyong natawag.

Her Husband is a Wolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon