Kabanata 6

20.5K 487 40
                                    

Aso

Dahan dahan akong lumingon, "Kingston?" Sabi ko nang makita kung sino yung lalaki.

"Stop calling her like that Minah, it's annoying!" Dugtong pa ni Kingston.

"Magkaibigan kami ni Minah kaya ayos lang yun." Sabi ko.

"But it's not okay with me, Shine!" Lalo akong nabigla, Shine? Tinawag nya ako sa nickname ko.

"Putcha? Kilala mo ako?" Tanong ko.

"Yeah! Magusap tayo!" Sabi nya at biglang akong hinila paalis sa mga kaibigan ko.

Napunta kami sa rooftop nang custom building.

"Teka teka! Sandali lang kuya hah! Alam ko sikat ka, pero hindi naman pwedeng basta basta mo nalang ako ilalayo sa mga kaibigan ko? Medyo bastos kasi yun e." Sabi ko pagkabitaw nya sakin.

"Okay! Tanungin mo na lahat nang gusto mong itanong sakin, I give you a chance!" Sabi ni Kingston.

Bumuntong hininga ako. "Okay okay! First, paano mo ako nakilala? Saka anong kailangan mo sakin? May utang ba sayo ang tatay ko?"

"Yung dalawang tanong mo lang ang sasagutin ko, kasi yung third, malaking WALA!" Sabi nya.

"Alright, it's my turn. Marry me!" Halos matumba ako sa sobrang gulat sa sinabi ni Kingston.

"AAANNNOOO?" Sigaw ko.

"I know it's not unbelievable, pero you need to marry me bago pa ako mag 18, you're my mate! At nakatakda kang maging asawa ko." Paliwanag nya.

Nananaginip ba ako? Putcha! Hindi ko alam kong magiging masaya ako o  malulungkot dahil sa pangyayari ngayon. "Siraulo kaba? Oo pogi ka pero pwede ba? Wag mo nga akong idamay jan sa kalokohan mo. Kung naka shabu ka, wag kang mang trip. Anong mate mate ang pinagsasabi mo? Baliw!"

Aalis na sana ako, pero hinawakan ni Kingston ang braso ko para pigilan.

"Just let me explain everything. Makinig ka lang muna. Pwede ba?"

Ang gwapo nya. Hindi ko kayang tumanggi sa taong to.

Naupo kami sa gilid. "Hindi ako drug addict. At yung about sa mate, yun yung tawag sa mga napapangasawa nang werewolf, at bata palang, tayo na talaga ang meant for each other. You were my mate and I'm a werewolf." Sabi ni kingston.

Napatayo ako. "Anong werewolf ang pinagsasabi mo? Nababaliw kana talaga! Oo sa aswang naniniwala ako, pero sa asong loob? ASA! Saka walang sinabi sakin ang magulang ko na engaged ako sa werewolf."

Hinawakan nga ang kamay ko para paupuin nanaman. "Walang alam ang magulang mo dito Shine, this is between you, me and my family. Buong pamilya ko wolf except my mother and aunties. Mga mate din sila at mga pure blooded people lang ang nagiging mate."

Tuluyan na talaga akong tumayo.

"Teka! Naguguluhan talaga ako Kingston! Hindi ko kayang makipag usap ngayon. Hindi handa yung utak ko. Putcha!"

Nasa pintuan na ako pababa nang rooftop nang may narinig akong lumagabog sa likod. Agad akong napalingon, at nawindang sa nakita. Hindi ko kinaya kaya napaupo ako.

"Ki-Ki-Kingston?" Utal utal ako.

Walang ibang tao sa rooftop maliban sakin at Kay Kingston. Kaya sure ako na sya nga yun.

Malaking aso ang nasa harapan ko ngayon, kulay brown na may halong itim ang kulay nang makakapal nyang balahibo. Kulay brown din ang mga mata nyang nakatitig sakin, as in brown na brown talaga.

Napapikit ako nang umambang tatalon ang malaking aso sa harap ko.

Pero nang dahan dahan akong dumilat, isang Kingston na topless ang nakaluhod sa harapan ko.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now