Kabanata 20

13.9K 305 3
                                    

Bakit sya pa

Hanggang matapos nalang ang klase, hindi na bumalik si Yvette. Ilang beses naming syang tinext at tinawagan pero hindi talaga sya sumasagot.

"Kung hindi ako nag sekreto sakanya, hindi naman hahantong sa ganito e." Sinisisi ni Minah ang kanyang sarili.

Nakaupo kami ngayon sa bleacher kung san kami umupo ni Ken noon. Hinihintay naming matapos ang practice nila King ng basketball. Official player na kasi sila ng school kaya nag start na silang mag training.

"Ano kaba, wag mong sisihin ang sarili mo." Pag papagaan ko ng loob ni Minah. "Ganto nalang, kausapin mo muna sya mamaya pag uwi mo sa apartment. Kapag ayaw nya itext mo ako, pupuntahan agad kita. Okay?"

Tumango si Minah bilang pag sang ayon.

Maya maya naman ay natapos na ang practice ng basketball. Nakita ko agad si King na papalapit samin. Kasunod nya sila Niel at Red.

Magkalapit nila ay kitang kita namin ang pawisan nilang mukha. Lumapit agad si Red kay Minah at nag papunas ng pawis. Nang si King naman ang lumapit sakin ay amoy na amoy ko ang pabango nya. Kahit pawis sya ay nangingibabaw parin ito.

Pare pareho silang naka basketball Jersey pero mag kakaiba ng itsura. Wala pa siguro silang uniform. Malamang, Shine. Nakakaloka ka.

"Uwi na tayo?" Ikinabigla ko ang pagtatanong ni King. Naka tingin kasi ako sa damit nya.

"Huh? Tara!" Sabi ko.

"Sige, tol. Una na kami." Paalam ni King sa mga kaibigan.

"Minah." Tawag ko sa pangalan. Nag tinginan lang kami at alam na namin ang gustong iparating ng isa't isa.

"Nag away ba kayo nila Yvette? I saw her leaving?" Tanong ni King.

Nakasakay kami sa kotse at mga 3 minutes nalang bago makarating sa bahay.

Umiling ako. "Hindi naman away talaga. Nag tampon lang siguro si Yvette. Hindi kasi agad sinabi ni Minah yung tungkol sakanila ni Red. Alam mo ba na sila?"

Nag iwas ako ng tingin nang makita kong kanina pa pala sya nakatitig sakin. Sa bintana kasi ako nakabaling at iniisip kung ano bang gagawin ko kay Yvette.

"Nga-ngayon lang kasi namin nalaman e."

"First day of school palang may plano na si Red na pormahan si Minah. Hindi sya nahirapan kasi may gusto rin naman ito sakanya. I thought you knew about this?" Aniya.

"Hindi. Ngayon lang. Pero alam na naming may gusto na talaga si Minah kay Red."

Tumango sya. "But I heard her whispering something earlier."

Napatingin na talaga ako kay King. "Ano yun?"

"Bakit sya pa? Yun ang narinig ko." Aniya.

Ang dami nang pumasok sa isip ko. May mga tanong na bumabagabag sakin. Pero bakit sasabihin ni Yvette na "Bakit sya pa?" Hindi ko alam kung tama ba tong iniisip ko o ano pero..may gusto rin ba si Yvette kay Red gaya ni Minah?

"What are you thinking?" Tanong ni King, napansin siguro ang pagiging tulala ko.

"Huh? Wala." Sagot ko.

Sakto namang nakarating na kami sa bahay.

Pagkapasok ko nang kwarto ko, nakita ko agad ang isang puting box sa ibabaw ng kama ko. Sakto lang ang laki at haba nito. Lumapit ako at agad kinuha yung box. Box ng cellphone.

May nakadikit ditong yellow na sticky note.

"Change your phone."

Nung binasa ko yung nakasulat parang nag eecho sakin yung boses ni King. Kahit walang nakasulat kung kanino galing, malakas na ang kutob na galing ito sakanya. Pero kailan nya kaya ito binili e lagi naman kaming magkasama sa school?

Binuksan ko ang box at tumambad sakin ang malapad na cellphone. Sikat na brand ng cellphone ang naka ukit sa ibabaw na parte nito kung saan katabi ang maliit na front camera. Ang ganda. Mas malaki pa sa palad ko. Kailangang dalawang kamay na ang gamitin ko sa pag tetext.

Nilagay ko na ang sim card ko sa bago kong cellphone. Napansin kong kagaya ito ng cellphone ni King, kulat itim lang yung sakanya.

Ilang sandali pag open ko ulit, may nag text agad.

Minah:

Ayaw nya akong kausapin :(

Huminga ako ng malalim bago nag reply kay Minah.

Ako:

Sige. Pupunta na ako jan. Mag papaalam lang ako sa mga Kasmey.

Nag reply agad si Minah.

Minah:

Okay.

Nagpalit ako ng dark blue maong short tapos puting t-shirt na may print na london bridge sa harapan. Nakuha ko lang sa walk in closet.

Wala sila tita Caroline at tito Todd, nasa work pa daw kaya kay Manang Daisy nalang ako nag paalam. Mag tataxi nalang ako papuntang apartment. Tanging cellphone at pera lang ang dala, nasa bulsa ko lang. Hindi talaga ako mahilig mag wallet.

Nag hihintay pa ako ng taxi sa gate ng village. 4:30pm palang naman. Baka mga 5 makarating na ako sa apartment kung maagang makakahanap ng taxi.

May natatanaw na akong taxi sa di kaluyan ng mag ring ang cellphone ko. Hindi ako ready kaya medyo napatalon ako. Pero agad ko itong sinagot.

"Hello?"

"Where do think your going?" Boses palang nya kilalang kilala ko na.

May humintong itim na kotse sa harapan ko, namatay narin ang tawag. Dahan dahang bumaba ang salamin ng tinted na kotse.

"Aalis ka nalang ng hindi nag papaalam sakin? Huh?" Iretable ang expression nya habang naka sakay sa driver's seat. Sya nag drive?

Shocks. Nakalimutan ko nga palang mag paaalam sakanya bago ako umalis. "So-sorry. Nagmamadali kasi ako e."

"Tss." Umirap sya tapos tumingin sa suot ko. "Sumakay kana parang maaga tayong makauwi."

"O-okay." Bubuksan ko sana yung pinto sa passengers seat pero bigla syang bumusina kaya nagulat ako.

"Seriously, Shine? Dito ka sa tabi ko." Naiirita na talaga sya.

"Ah-Oo! Sorry." Dali dali akong tumakbo para maka ikot sa front seat katabi nya.

Her Husband is a Wolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon