Kabanata 47

13.9K 250 2
                                    

Umuwi ka na

"Shine, anong nangyari sayo?" Tanong sakin ni Yvette at Minah nang makita nila ako sa labas nang stock room. Umiiyak parin ako.

"Kaya mo bang maglakad?" Tanong ni Yvette tapos inalalayan akong maglakad.

"Wait! Tatawag nalang ako ng taxi." Dali-dali namang tumakbo si Minah para tumawag nang taxi.

Mabilis kaming naka-rating sa apartment sakay nang taxi. Hindi parin ako nagsasalita, patuloy naman ang pagtulo ng luha ko. Nakakainis! Hindi ko mapigilan.

"Shine, magpalit ka muna." Inabutan ako ni Minah nang damit galing sa bag ko. Pinunasan ko ang mata ko bago ngumiti sakanila tapos pumasok na sa banyo.

Pagkalabas ko ay naabutan ko sila Yvette at Minah na may pinag-uusapang kung ano, nagulat sila nang makita akong nakatingin sakanila. "Ah! Shine? Ayos ka na ba?" Tanong ni Minah, halatang may itinatago siya.

"Anong..anong pinag-uusapan nyo?" Tanong ko. Nagka-tingin silang dalawa.

"Min, dapat sabihin na natin ito sakanya." Ani Yvette kay Minah.

"Pero sinabi nya na wag na muna diba?" Pag-aalala naman ni Minah.

Naguguluhan na talaga ako. Ano bang pinag-uusapan nila? "Minah? Yvette? Tungkol saan ba ito?" Lumapit na ako sakanila.

Si Yvette ang unang humarap sakin. "Shine, King texted us, sinabi nyang nasa stock room ka at inaway nila Euphiemia." Nagulat ako sa sinabi nya.

Totoo ba iyon? Pero bakit hindi nagpakita si King sakin? Bakit hindi sya mismo ang tumulong sakin? Alam nya palang inaaway ako nila Euphiemia pero bakit hindi nya ito pinigilan? Bumuhos nanaman ang luha ko sa mata. Ganun nalang ba ka-ayaw nyang makita sakin? Na kahit nasasaktan na ako, hindi parin sya lalapit?

"Shine." Ani Minah. Niyakap nila ako ni Yvette para matahanin.

Kinabukasan, ganun parin ang nangyayari. Nagtatama ang mata namin ni King pero ako ang unang umiiwas, gusto ko syang kausapin pero may kung anong pumipigil sakin. Gusto ko na syang makasama.

Pag-uwi namin ng apartment, gumawa lang kami saglit ng assignment tapos naghanda nang maligo, maaga kaming matutulog. Nang biglang tumunog ang cellphone ko, simula nang umalis ako sa bahay ay ngayon palang ako naka-tanggap ng message. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung sino ang nag-text. Kumalabog ang dibdib ko ng malamang galing ito kay King.

"Shine? Sinong nag-text sayo?" Tanong ni Minah at tumabi sakin, sinilip nya ang cellphone ko. "OMG!" Napatakip nang bibig si Minah dahil sa nakita.

"Bakit? Ano iyon?" Lumapit narin si Yvette at tinignan ang cellphone ko. The she looked at me. "Read it, Shine." Aniya.

Huminga ako nang malalim bago binuksan ang text message.

From: Kingston

Shine. Let's talk. Nandito ako sa labas ng apartment.

Kinabahan nanaman ako. Napatingin ako kina Minah at Yvette. They nodded at me, hudyat na gusto nilang makipag-usap narin ako kay King. Siguro naman ay tama na ang panahon na ibinigay ko sakanya.

Nag-suot ako nang hoodie, spaghetti strap kasi ang panloob ko, bago lumabas nang apartment. Nakita ko agad si King na naka-sandal sa kotse nya, tumayo sya ng maayos nang makita ako. Lumapit naman ako sakanya. I really want to hug him right now, lalo na't naka-muscle shirt pa sya, kitang-kita ang biceps nya.

"Nag-dinner na kayo?" Nabigla ako sa tanong nya, pero nagawa ko paring tumango. Natahimik ulit kaming dalawa. Hanggang sa nagsalita ulit sya. "Umuwi kana.." Napatingin ako sakanya, kumalabog ang dibdib ko. "My parents is really worried." Pero agad itong nawala dahil sa idinugtong nya.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now