Kabanata 50

12.5K 277 4
                                    

You're pregnant

Paggising ko kinabukasan, nasa ilalim lang ng tenga ko ang cellphone ko, nakatulog na pala ako dahil sa kanta ni King. Wala na si King sa kabilang linya. Unti-unti akong bumangon, dinampot ko ang cellphone ko at chinarge muna.

"Second day, without my King." Sabi ko sa sarili at umunat-unat ng katawan.

Dumiretso ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na agad ako. "Good morning, mommy." Bati ko kay mommy Caroline nang makita sya sa dining table.

"Good morning." She smiled at me. Lumapit ako sakanya at bineso sya. "Kain na." Anyaya nya. Nginitian ko sya tapos nagsimula nang kumain.

"Amph..my, tumawag pala si King kagabi." Sabi ko habang kumakain kami.

"Talaga? What did he said?" Akala ko tinawagan din sya ni King.

"Nangamusta lang po."

Sinabay na ako ni mommy Caroline papuntang school, sa hotel ang diretso nya. "Anong oras ang out mo, Shine?" Tanong ni mom bago pa ako makalabas ng kotse.

"Hindi ko po sure e, siguro mga 4pm po."

"Sige. Just text me para sunduin ka nalang namin, kain tayo sa labas." Ani mommy.

"Sige po." I smiled tapos lumabas na ng kotse. Hinintay kong makaalis sila mommy bago tuluyang pumasok sa school.

"Hi, Shine." Sabay-sabay na bati sakin ng mga kaibigan ko.

"Anong kaganapan ngayon? Bakit mukhang masaya kayo?" Tanong ko at umupo na sa desk ko.

"Ikaw? Mukhang masaya ka rin ah?" Parang nang-aasar na sinabi ni Red.

"Ah. Wait! Hulaan ko? Tumawag na si King nuh?" Tinuro-turo ako ni Minah, iyong expression nya nang aasar din. "What did he tell you? C'mon, spill it." Tinusok-tusok ni Minah ang tagiliran ko.

"Wala. Nangamusta lang." Iniiwas ko ang tagiliran ko sa daliri ni Minah.

"Asus." Pang-aasar na pa. Tumawa lang ako. "Obvious ka, day." Aniya.

"Ah nga pala..we have a plan, Shine." Basag ni Yvette samin. Nakatingin lang ako sakanya, naghihintay ng susunod nyang sasabihin. "Saan ka nakatira ngayon? Sa bahay nyo ba ni King?" She asked.

Umiling ako. "Hindi. Sa mansion nila. Ayokong mag-isa sa bahay." Mas lalo kong mami-miss si King.

"Ah ganun?" Disappointment na tugon ni Yvette.

"Bakit?" Pagtataka ko.

"Gusto sana naming mag-sleep over sainyo." Diretsong sinabi ni Minah.

"Sleep over?" Nag-isip kung pwede ba. Pwede naman e. Pero na kina mommy ako ngayon e. "Magpapaalam ako kay mommy Caroline."

"Don't need for that, nagpaalam na kami." Pinakita sakin ni Minah ang cellphone nya, nakita kong kakatext nya lang kay mommy, nagpapaalam kung pwede ba daw silang mag-sleep over sa mansion. "Hintayin nalang natin ang reply nya." She added.

Ang bilis talaga ng mga taong ito. "Sige. Sige." I agreed.

Mga 4pm nga ang labasan namin, agad kong tinext si mommy Caroline. Mabilis silang nakarating ni kuya Chris sa school. "Salamat po." Sabi ko kay kuya ng pagbuksan nya ako ng pinto sa backseat.

"Hi, anak." Bineso ako ni mommy. "Buti nalang konti lang ang trabaho ngayon sa hotel, pwede tayong mag-bonding." Tinaas-baba ni mommy ang kilay nya. I just smiled to her.

Sa isang mall kami dumiretso, sa isang Italian restaurant kami kumain ni mommy Caroline.

"Oww, about doon sa text ni Minah, I replied to her already." Ani mommy, tumango-tango ako. "Sabi nya hindi daw kasama ang mga kaibigan nyong lalaki." Hindi nila iyon sinabi sakin ah? "But it's alright, girl bonding tayo." She giggled.


Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now