Epilogue

18K 316 13
                                    

Bilang pasasalamat ko sainyong lahat, here's "Her husband is a Wolf" epilogue for all of you. Hope you enjoy this. Again, maraming maraming salamat po. Please support also my other werewolf story titled; "Wolf Girl and her Mate." Salamat-salamat

-

My mate

"Kingston, anak, she is your mate. She's the girl you will marry in the future." Pinakita sakin ni daddy ang picture ng isang batang babae. I was seven years old that time.

Tinignan kong mabuti ang mukha ng batang babae. Her eyes are big and bright, hindi ganoon ka-tangos ang kanyang ilong, medyo malaki ang bibig nya pero manipis lang ito. Kayumanggi ang kulay ng kanyang balat. Her hair is natural black and straight. "What's her name, dad?" I asked.

"Sunshine Hernandez, anak." Sagot sakin ni daddy.

"She's pretty naman diba anak?" Tanong naman ni mommy. Hindi na ako nag-alangang tumango. She's not ugly, hindi din ganoon kaganda, sakto lang.

"I want to meet her." Sabi ko sa magulang ko. They smiled at me.

"Yes, son. We're going to meet her." Sabi ni mommy sakin at nginitian ulit ako.

Bata palang alam ko na ang tunay kong pagkatao. I'm a werewolf, hindi iyong mala-halimaw ang itsura but we can transform into a wolf galing sa pagiging tao. Hindi naman sinekreto sakin ng magulang ko ang lahat kaya aware na ako. May dad is also a werewolf, also he's the alpha. The most powerful wolf in our tribe at ako ang susunod sakanya, after I became 18 and married to my mate.

"Hmp. Babalik ka agad ah?" Sabi ni Shasha nang pagpaalam ako sakanya na aalis ako.

She didn't know that I'm a wolf kaya sinabi ko lang na magbabakasyon kami ng magulang ko sa Cebu. My mate is actually living there. Gusto ko sya makita nang personal.

"Babalik agad kami. Promise!"

"Promise yan ah!" Nag-pinky swear kami ni Shasha.

Shasha is my childhood friend also my classmate. Pareho kami ng village na tinitirhan kaya halos kami lagi ang naglalaro with my Butler Ken, he's also 7 years old like me and Shasha.

"Master King, tawag na po kayo ng daddy mo. Aalis na daw po kayo!" Biglang dumating si Ken.

"Kami lang? Hindi ka ba kasama?" I asked him.

Umiling si Ken. "Ikaw lang po ang pinayagan ng school na mag-absent."

"Ken." Lumapit si Shasha kay Ken at kumapit ito sa braso nya. "Buti nalang hindi ka aalis." She smiled to him.

Hindi ko alam kung saan nang galing si Ken, basta simula pa nung baby ako kasama ko na sya. Parang kapatid na nga ang turing ko sakanya. But mom told me they get Ken from the orphanage, inapon na nila ito at pinagamit narin ang apelyido namin. His name is Kenneth Kasmey. Never pa akong nagalit kay Ken, he's my friend also my butler, sinusunod nya ang mga utos ko sakanya.

But I have one problem towards him. Kapag magkakasama kami nila Shasha, mas nag-uusap sila ni Ken. Inisip ko nalang na baka dahil pareho silang tao kaya mas nagkaka-intindihan sila, but something's wrong, sobrang close na nila sa puntong out of place na ako kapag naglalaro kami. I'm jealous. I have a crush on Shasha at alam iyon ni Ken pero mas lumalapit sya dito.

"King, masyado pang bata si Sunshine para sabihin natin ang tungkol sainyo kaya sana wag mo munanh syang biglain okay? Be friends with her first." Ani sakin ni daddy pagkarating namin sa hotel na tutuluyan namin.

Her Husband is a Wolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon