Kabanata 25

13.6K 276 7
                                    

Prenup

Mabilis na dumaan ang oras. Naging busy kami sa school. Nagsisimula narin kasi ang paghahanda sa gaganaping intramurals ng school.

Sumali rin ang mga kaibigan ko sa sports. Si Yvette sa chess, si Minah naman sa volleyball. Triny kong sumali sa archery, dagdag grade din kasi kapag may sinalihan kang kahit anong sports. Sila Red, Niel at King ay busy parin sa basketball.

Isa pang pinaghahandaan namin ni King ay ang kasal namin. Although si tita Caroline lang naman talaga ang naghahanda ng lahat. Ginagawa lang namin ang mga gusto nya.

Like ngayon, may prenup kami.

Pinasuot kaming dalawa ni King ng mga damit pang kasal ng iba't ibang bansa tapos pipicturan kami, sa isang resort kami nag pictorial.

Tawang ako tawa ako kapag nakikitang iritang irita si King sa mga pinapasuot sakanya lalo na kapag malalaki tulad ng mga traditional clothes ng Korea at Japan.

"Ang kati." Lagi nyang reklamo.

Natatawa lang kami ni tita Caroline. Ako nga enjoy na enjoy sa pag susuot ng mga damit e. Lalo na yung hanbok or Korean traditional dress.

"Ididisplay natin lahat ng pictures nyo sa bago nyong bahay. But maglalagay din kami ng ilan sa mansion." Sabi ni tita nang matapos ang pictorial.

8 am kami nag usap at hapon na kami natapos, nagbre break lang kami para kumain at mag pahinga ng konti.

"Hello Madam Caroline." Napatingin kami sa lalaking makapal ang balbas na lumapit kay tita.

"Oh? Kim. Kakarating mo lang?" Tanong ni tita na parang kilalang kilala nya na tong lalaki.

"Nope. Kakarating ko lang, tinapos ko pa kasi yung isa kong painting." Kim said. Tumango tango naman si tita Caroline.

"Ah. By the way, Kim this is my son Kingston and his mate Sunshine." Pakilala samin ni tita. "Shine, King this Kim our personal painter." Dugtong ni tita.

Nag ngitian kami ni Kim.

"Let's start na po Madam?" Sabi ni Kim.

"O sige. Shine, punta ka na don sa make up room para maayusan kana. King, make your transformation also." Utos ni tita.

"What? Hindi pa tapos?" Iretable na si King.

"Promise, last na to King." Malambing na sabi ni tita.

Padabog na umalis si King. Pumunta na naman ako sa make up room.

Nagtaka ako ng pasuotin nila ako ng simpleng puting dress na medyo may punit pa. Ginulo gulo din nila ang buhok ko, pero yung make up maayos naman.

"Ano po bang theme ngayon?" Tanong ko sa make up artist.

"Black Forest po." Sagot nya.

Pagkatapos akong ayusan ay nag punta na kami sa dulong part ng resort kung saan may mga puno, makikita rin dito ang pag lubog ng araw.

"Kailangan nating bilisan para nandyan parin yung araw." Sabi ni Kim.

Napatingin ako sa mga make up artists at iba pang kasama namin kanina sa pictorial nang nagsialisan sila. Tanging natira lang ay ako, si Kim at si tita Caroline na nakaupo sa gilid habang umiinom ng juice nya.

"Nasan si King?" Bulong ko sa sarili ko.

"King pwede ka nang lumabas." Sigaw ni Kim.

Bumukas ang pinto sa stock room ng resort, katapat lang din ng pwesto namin.

Nanlaki ang mata kong dahan dahang lumabas ang anyong wolf ni King galing doon. Alam kong sya yun dahil sya palang naman ang nakikita kong wolf na ganun ang kulay ng balahibo.

"Ki-king?" Tawag ko sakanya.

Bigla akong kinabahan ng unti unti syang tumingin sakin. Ngayon ko lang nakita ng maayos ang pagiging Wolf ni King. Nung unang beses kasi ay nag bumalik agad sya sa pagiging tao.

"Miss Shine, tayo po kayo doon.." tinuro ni Kim ang malapit sa malaking puno. "Tabi nyo si King, hawakan mo sya."

"Po?" Nabigla ako sa inutos ni Kim.

"That's alright Shine. Si King parin yan, don't be scared." Sabi ni tita Caroline. "Ginawa din namin ng tito mo yan." Dugtong nya.

Nakita kong lumapit na si King doon sa puno. Huminga ako ng malalim bago naglakad para tumabi sakanya. Nagkatinginan kami ni King. Kitang kita ko sa brown nyang mata ang reflection ko. Naramdaman kong si King talaga tong nasa harap ko.

Nawala na ang kaba ko. Dahan dahan kong hinawakan ang balahibo ni King.

Picnicturan muna kami ni Kim, tatlong beses kong narinig ang click ng dslr nya bago nya simulan ang pag pipinta.

Mahigit isang oras kaming ganun lang ang posisyon ni King.

"Ipapadala ko nalang yung painting sa kasal nila madam." Sabi ni Kim kay tita Caroline pagkatapos nya kaming ipaint.

Hindi pa namin nakita ang kabuuan ng painting.

"Yeah sure. Salamat ulit hah?" Sabi naman ni tita.

Nag ngitian sila bago umalis si Kim.

Kinabukasan, nang labasan na namin sa school ay sinundo ako ni tita Caroline. Nag paalam muna ako kay King, may practice pa naman kasi sila ng basketball.

"San po tayo pupunta?" Tanong ko kay tita.

"We will choose your wedding dress." Sagot nya.

Nakasakay na kami ngayon sa kotse nilang kulay itim. Pareho kaming nasa passenger seat, si Manong Gerry ang nagmamaneho, yung palaging kasama nila tita at tito kapag papuntang hotel. Si kuya Chris kasi yung naghahatid sundo samin ni King.

Pumunta kami ni tita sa isa isang sikat na wedding dress shop. May ari ito ng sikat na wedding designer.

"Hello Madam." Bati ng isa mid-20s ng babae kay tita.

"Hello Annie. Kamusta?" Nagbeso silang dalawa.

"Ito naba ang mapapangasawa ng one and only son mo?" Tanong ni Ms Annie tapos bumaling sakin.

I smiled.

"Yes Annie, this is my future daughter in law, Sunshine." Pakilala sakin ni tita Caroline.

"Hello po." Bati ko kay Ms Annie.

Bineso nya ako. "Nice to meet you Shine, in fairnes ang galing mamili ng anak mo ah. Ang ganda nya." Sabi ni Ms Annie habang nakatingin kay tita.

"Syempre. Nag mana sa tatay e." Nagtawanan silang dalawa.

Hindi siguro alam ni Ms Annie ang tungkol sa mga Kasmey. So shut up Shine!

Madaming pina try na wedding dress sakin si Ms Annie. Ang gaganda lagat pero may isa talaga akong naging paborito.

Tube dress sya pero may lace na hanggang leeg, sleeveless sya tapos backless. Simple lang pero maganda. Pareho namin ni tita Caroline na nagustuhan iyon.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now