Kabanata 30

13.2K 303 13
                                    

Cheer

Kinabukasan, nagready na ako para pumasok sa school although wala naman talaga kaming klase dahil busy parin ang lahat sa intrams. Lalo na at last day na ngayon.

Habang kumakain ng almusal, napapansin kong palipat lipat ang tingin ni King sakin at kay mommy Caroline. Parang may alam sya sa pinag usapan namin ng mommy nya.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni King pagkasakay namin ng kotse.

"Ayos na." Emotionless kong sagot.

Nagsimula nang umandar ang kotse. Si kuya Gerry ang driver namin ngayon, may sakit kasi si kuya Chris. Si daddy nalang daw ang magda drive pag alis nila ni mommy.

Sinabi ko na kina Minah at Yvette na nagseselos nga ako kina Euphiemia at King kaya hindi ako nakapasok dahil naiinis ako sakanilang dalawa. Pero sa text ko lang sinabi sakanila kagabi bago ako matulog. Nag aalala na daw kasi sila. Akala nila kaya hindi ako pumasok kahapon ay dahil sa pagkatalo ng custom department sa archery, kaya wala akong choice kundi sabihin sakanila ang totoong dahilan.

Kaya ngayon, paglapit palang namin sakanila, nag aalalang tingin na ang salubong sakin ni Minah at Yvette. Nilakihan ko sila ng mata para sabihing wag pagpahalata.

"Magaling kana Shine?" Tanong ni Niel.

Nginitian ko sya. "Hindi naman malubha yung naging sakit ko."

Nginitian nya nalang din ako.

"Babe, ano palang oras ang game nyo ngayon?" Tanong ni Minah sa boyfriend.

"Hmmm..10pm ata? Tama ba King?" Sagot ni Red tapos tumingin kay King na tinanguan lang sya.

Pumunta muna kami sa classroom para mag attendance.

"Guys, mamaya na ang Ms & Mr Intrams huh? Required kayong manuod lahat. Let's support our representative, Kasmey and Vasquez." Ani Miss Kc. Ang jolly nya talaga.

"Nga pala, after nyo dito pumunta na kayong dalawa sa library, may last minute rehearsal tayo don. Okay?" Sabi ni Miss Kc habang tinuturo sina King at Euphiemia.

"Tara nuod muna tayo sa rehearsal nila King?" Excited na tanong samin ni Red.

"Bakit may bet kaba sa mga girls don?" Tanong ni Minah na kunwari nagtatampo.

"Wala. Mas maganda ka pa sa mga kasali don e." Maglalambing ni Red sa girlfriend.

Naglampungan na yung dalawa sa harap namin.

"Kung gusto nyo, kayo nalang manuod ng rehearsal nila King. Dito nalang kami ni Shine tapos magkita nalang tayo sa gymnasium?" Ani Yvette.

"Hee." Inalis ni Minah ang pagkakayakap kay Red. "Kung dito lang kayo edi dito lang din ako, dadamayan ko si Shine."

Nakita kong tumingin sakin si King. Lumipat ang tingin ko kay Euphiemia na todo ayos ng mukha nya. Te! Mamaya pa yung contest.

"Hindi. Manunuod tayo sakanila." Sabi ko. Napatingin naman sakin sila Minah at Yvette.

"Sure ka?" Bulong ni Yvette.

Nagkatinginan kami ni King. Tumango tango naman ako kay Yvette habang nakikipag titigan lang kay King.

Sige. Hindi na ako magpapadala sa emosyon ko at baka mabisto pa ako ng wala sa oras nito.

Pagkatapos nga namin sa classroom dumiretso na kami sa library. Naunang pumunta doon sila King at Euphiemia.

Maluwag ang library ngayon, nasa gilid lang ang mga book shielf, yung mga lamesa namang mahahaba, pinaglagyan ng mga gamit ng mga contestants. Madami dami rin ang nanunuod sa rehearsal. Madami rin ang gwapo at magaganda sa ibang course.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now