Kabanata 16

15.2K 341 4
                                    

Girlfriend

Pagkatapos naming mag hapunan, nag paalam na agad si tito Todd na pupuntang office nya dito lang sa bahay, may tatapusin pa daw kasi syang trabaho. Nagtataka nga ako kung bakit custom ang kinuhang course ni King e, dahil Hotel ang business nila pwede syang mag Business Management o kaya Hotel and Restaurant Management.

Si tita Caroline naman, magsa shower lang daw tapos back to chikahan na naman kaming dalawa. Si King nasa kwarto nya lang ata.

"Manang Daisy, sige na po. Ako na pong mag huhugas ng mga plato." Pag pupumilit ko. Si Manang Daisy ang pinaka matandang katulong sa bahay ng mga Kasmey.

Hindi pa pinapanganak si King ay nag tatrabaho na sya pala sa mag asawa. Bago maging kasambahay sa mga Kasmey, kay Manang muna dadaan. Sya lang kasi ang nakakaalam ng pagiging wolf ng pamilya, sya ang nagsasabi at nagtuturo sa mga baguhan ng rules and regulations ng bahay.

"Ako na po Miss Shine, trabaho ko po ito." Sabi ni Manang.

"Namiss ko na pong mag hugas e. Ako na po. Please Manang?" Nag puppy eyes nako baka sakaling tumalab.

Kaya pala nung naag uusap usap kami sa sala pagdating ko ay si Manang Daisy lang ang nakatayo sa gilid, pati si Butler Ken. Lima silang kasambahay, kasama narin don si Ken, hindi naman daw kasi sya kabilang sa anim na body guard ng mga Kasmey. At lahat ng yan ay sinabi ni tita Caroline.

"Manang, hayaan nyo na po syang mag hugas, hindi kayo titigilan nyan." Napatingin kami sa biglang dumating na si King.

Kumuha sya ng gatas sa ref nilang napaka laki, binuksan nya din ang isang glass jar at kumuha ng ilang cookies.

"Sige na nga, pero ngayon lang hah?" Ani ng matanda.

Tumango tango agad ako. "Opo! Opo!" Sinunandan ko ng tingin si King na pumuntang sala at nanuod ng tv don.

Nag suot ako ng Apron bago nag simulang mag hugas. Mas konti ang hugasan dito kesa naman sa restaurant. Mabilis lang din akong natapos.

"Are you done?" Medyo nagulat ako sa biglaang pag dating ni King.

Nasa harapan ko na agad sya, parang kanina lang nung natapilok ako sa hagdan. Okay. Sya na talagang wolf, ang bilis kumilos e.

"Yeah!" Nakakaloka, napapa english narin ako ah. "Tapos nako."

May kinuhang towel si King sa gilid namin. "Give me your hand."

"Huh?"

"Tss." Bigla nyang hinawakan ang dalawa kong kamay at pinunasan ito gamit ng towel.

Marahan lang ang pag punas nya sa mga kamay ko, parang takot syang masaktan ako or something. Bawat daliri ko ay pinupunasan nya. Pati yung bandang pulso ko, basta lahat ng parteng basa.

"King, nagka girlfriend kana ba?" Shocks! Pati ako nabigla sa sinabi ko.

Aish! Bakit ko ba natanong yun? Tss. Na curious lang naman kasi ako dahil don sa sinabi nyang, bata palang kami, alam nya ng ako ang mate nya. Baka posible ring ma inlove sya sa iba kasi hindi pa naman kami magkakilala.

Hininto nya ang pagpupunas sa kamay at saka diretsong tumingin sa mga mata ko. Parang huminto rin ang oras ng sandaling yun. Pero ang pagbilis ng tibok ng puso ko ay tuloy tuloy, yun na nga lang ang naririnig ko dahil pareho kaming tahimik.

"Wala pa akong nagiging girlfriend, ikaw palang."

Wala. Pwede bang mahimatay ngayon? Naiinis ako sa sarili ko, dahil for sure, pulang pula na ang mukha ko ngayon. Parang background music namin ang tibok ng puso ko.

Pagkatapos ng kaganapang yun, wala na namang ibang nangyari. Sabay lang kaming umakyat sa second floor tapos pumasok na rin kami sa kanya kanya naming kwarto.

"Shine, wait lang!" Palabas na sana kami ni King ng bahay ng bigla akong tawagin ni tita Caroline.

"Bakit po tita?"

"Here." Inabot sakin ni tita ang isang napaka cute na bag pack. Sikat din ang brand nito. "Pasensya na kung pinakealaman ko ang gamit mo but can you use this?"

Kinuha ko ang bag at dahan dahang binuksan ang loob nito. Lahat ng mga gamit ko sa school nandon na. "E anong laman ng bag ko?"

Inagaw sakin ni King ang luma kong bag at binuksan ito, isa isa nyang kinuha ang mga lamang tissue non.

"Sorry talaga Shine. Gusto ko kasing ipagamit kay King yan kaya lang ayaw nya naman, I bought that in Korea last month." Sabi ni tita.

Tinignan ko si King, wala naman syang pakealam sa nangyayari. "Okay lang po tita, papasok na po kami." I smiled.

Sumakay kami sa kulay itim na kotse nila King,starting today, ito na daw ang paghahatid sundo samin. May driver tapos katabi nito si Butler Ken. Nasa passenger seat kaming pareho ni King.

"Miss Shine, ako na pong magbubuhat ng bag nyo." Alok ni Ken pagkalabas namin ng kotse.

"Hindi. Ako na.." Natigil ako ng biglang kuhanin ni King ang bag ko at sinuot sa kabila nyang balikat.

"She's my girlfriend." Pagkasabi nya non, lahat ng tao nagtinginan na samin.

"Ano kaba." Sabi ko nalang dahil nahihiya na ako. Hindi ako sanay na pinag titinginan.

Wala nang sinabi si Ken, hinayaan nya nalang kami ni King na maglakad, nasa likod lang namin sya. Nakarating nalang kami sa classroom ay pinag titinginan parin kami.

Inabot sakin ni King ang bag ko pagkapasok namin ng room, hinayaa nya akong umupo sa tabi ng mga kaibigan ko, sya naman sa tabi ng mga kaibigan nya. Naiwan sa labas si Ken, na pormal na pormal sa suot nyang suit, although lagi namang ganun ang suot nya.

"Oy ano nang kaganapan?" Salubong sakin ni Minah pagka upo ko palang sa gitna nila ni Yvette. "May pa buhat buhat pa ng bag ngayon ah?"

"Shh.." Sagot ko ng makitang papasok na ang professor namin sa unang subject.

"Ano na? Kwentuhan mo naman kami? Tuloy na tuloy naba ang kasal?" Patuloy parin si Minah sa pagsasalita. Naglalakad na sa hallway palabas ng custom building, vacant na kasi namin.

"Oo. Next month na." Sagot ko.

"WHAT?" Tumigil sa paglalakad si Minah kaya nadamay na kami ni Yvette. "Next month na agad? Hindi pako ready."

"Bakit ikaw ang magre ready? Ikaw ba ang ikakasal?" Tanong ni Yvette tapos naglakad ulit, sumunod naman kami ni Minah.

"Syempre tayo ang maid of honor ni Shine kaya dapat mag handa din tayo." Paliwanag ni Minah.

"Tss." Tanging sagot naman ni Yvette.

Nagpunta kami sa canteen, ginugutom na daw kasi si Yvette. Pagkatapos naming bumili ng makakain naghanap na kami ng mauupuan.

"Minah!" Napatingin kami sa tumawag kay Mihah. Si Red.

"Red!" Tumingin samin si Minah, obvious naman na pinag planuhan nila na sabay kumain. "Girls, don nalang tayo upo sakanila." Tinuro nya ang table nila Red, kasama si Niel at King na nakatitig sakin.

Umupo naman kami sa harapan nilang tatlo, si Minah sa tapat ni Red, si Yvette katapat ni Niel na hindi man lang nagkikibuan. May problema ba sila? At si King naman ang katapat ko na panay parin ang titig sakin.

"Ano?" Bulong ko.

Hindi nya ako sinagot at nagpatuloy lang sa pagkain. Nagkibit balikat nalang ako at kumain narin.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now