Kabanata 29

12.6K 275 3
                                    

Selos

"Diba sumali ka sa archery Shine? Kailan ang laban mo?" Tanong ni mommy Caroline.

Nasa dining area kami ngayon at nag aalmusal.

"Mamaya na po." Sagot ko.

"Ay ganun? Akala ko sabay kayo ni King?" Ani mommy.

"Hindi po. Sa last day po sila ng intrams." Tumango tango si mommy.

Tumingin ako kay King. Focus lang sya sa pagkain nya.

Bakit ba ganito yung nararamdaman ko? Kinakabahan ako na ewan. Kasali si King sa Mr Intramurals, bukod pa don, kasali rin si Euphiema. For sure madami syang binabalak dahil magkakasama sila ni King sa mga rehearsal.

"Kanina ka pa ata tahimik dyan?" Tanong ni King.

Nakasakay kami sa kotse nila ngayon, konti nalang malapit na kami sa school.

Tumingin ako sakanya. "Okay lang ba sayo ang sumali sa mga contest kagaya ng Mr Intrams?"

He looked me in the eye. "Ikaw? Okay lang ba sayo?"

Inalis ko ang tingin ko sakanya at tumingin nalang sa bintana. "Bakit ako ang tinatanong mo e ikaw naman yung sasali."

"Shine, asawa na kita ngayon, may karapatan kang pag bawalan ako sa mga bagay na hindi mo gusto." Hindi parin ako makatingin sakanya. "Ano? Okay lang ba kung sasali ako? I can back out if you want?"

"Hindi." Umiling iling ako. "Wag..hindi mo naman kailangang mag back out. Okay lang naman sakin e."

OO. Okay lang sakin na kasali sya sa kahit anong contest sa school, alam ko namang gwapo talaga tong asawa ko. Kinikilig parin ako sa term na yun. Ang kinakatakot ko ay baka kung anong gawin ni Euphiemia. Baka maging close sila ni King dahil dito.

"Are you sure?" He asked.

"Yeah. Ayos lang." Sagot ko pero nangangamba parin.

"Don't worry, hindi ako lalapit don sa cosplayer kung yun ang prinoproblema mo. Okay?" Napatingin nanaman ako sakanya.

Paano nya nalamang yun ang nasa isip ko? Akala ko ba hindi sya nakakabasa ng isip ng tao? Nagsinungaling ba sya or sadyang obvious lang talaga ako? Aish.

Pagkatapos naming mag attendance, dumiretso na agad kami sa gymnasium. Start na kasi ng laban ng archery pero last pa namang lalaban ang custom department kaya nakaupo muna ako sa bleacher, kasama ng mga kaibigan ko.

Nasa dulo ako nakaupo, katabi ko si King, katabi nya naman si Niel, tapos si Red then si Minah tapos si Yvette na. Nasa likod ng target board ang pwesto, pero syempre malayo para hindi kami matamaan ng pana.

"Are you nervous?" Binulungan ako ni King.

Ngumiti ako sakanya habang umiiling. Ginulo nya ang buhok ko na agad ko namang inayos.

Nilibot ko ang mata ko para hanapin kung nasan si Euphiemia. Nakita ko syang kakarating lang at parang may hinahanap din. Nang magtama ang mga mata namin, nakiting kong ngumiti sya habang nakataas ang kilay tapos tumingin sya kay King. Bingo! Asawa ko nga ang hinahanap nya. Kaasar.

"All custom student that participating in archery, please get ready and go to the athletes room." Sabi ng announcer.

Agad akong tumayo, tumayo rin ang mga kaibigan ko.

"Goodluck Shine." Sabay na sabi nila Minah at Red.

"Kaya mo yan." Sabi naman ni Niel.

"Galing mo ah?" Tumango ako kay Yvette.

Her Husband is a Wolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon