Kabanata 28

12.4K 271 3
                                    

You're my wife

"Don nalang tayo upo para makita agad tayo ni Minah." Tinuro ni Red ang upuan sa bandang gilid nila Minah at nang team nila.

Although don naman talaga kami uupo dahil don ang pwesto nang mga custom student. Kalaban nila Minah ang mga taga I.T department.

"GO BABE! FIGHTING!" Sigaw ni Red, napalingon naman sakanya si Minah at nag flying kiss.

"Ang PDA nyo talagang dalawa." Sabi ni Niel kaya nagtawanan kami.

"Goodluck Minah!" Sabay naming sigaw ni Yvette.

Ngumiti si Minah at kumaway samin.

Nag-start na ang game. Mabilis na naka score ang custom department, pero magagaling din ang sa I.T kaya humahabol ang score nila. Na-excite tuloy si Minah. Kung sa practice wala lang sakanya ang lahat, ngayon desidido na talaga syang manalo.

"Hoo! Akala ko matatalo kami e." Sabi ni Minah habang pinupunasan ang pawis.

Kakatapos lang ng first game nila at nanalo sila.

"Akala ko ba confident kang mananalo kayo?" Pang aasar ni Yvette.

"Kanina yun bago mag-start yung game." Ani Minah. Nagtawanan naman kami.

Nakalabas na kami sa school gymnasium ngayon, may break muna kasi sila Minah, babalik nalang sila mamaya para sa second game, Psychology Department naman ang kakalabanin nila.

"Hi King." Bigla nalang sumulpot kung saan si Euphiemia.

"Anong ginagawa mo dito?" Medyo natawa kami nila Minah at Yvette sa tanong sakanya ni King.

"I just want to hang out with you guys, classmates naman tayo diba?" Ani Euphiemia tapos kumapit sa braso ni King.

Nag init naman agad ang dugo ko. "Girl, nagsisimula na sya." Bulong sakin ni Minah.

"Pupunta ba kayong canteen? Pwedeng sumabay?" Tumingin si Euphiemia sakin tapos biglang tumaas ang kilay.

"Hindi e." Sabi ko tapos nag walk out.

Hindi ko na kinaya yung kalandian nung babaeng yun. Kung makalapit kay King kala mo sya pa yung asawa. Ni hindi nga kami nagho-holding hands ni King dito sa school kahit alam ng buong sambayanan na mag asawa na kami. Nakakainis.

Umakyat ako ako sa rooftop ng custom building. Buti nalang busy ang lahat kaya wala gaanung tao.

Nagulat ako nang biglang may kumaluskos sa pinto ng rooftop. Kinabahan ako, konti lang kasi yung nakita kong tao dito sa building pag akyat ko.

Naka hinga ako ng maluwag nang makitang si King lang pala yun, he's in his wolf identity. Dahan dahan syang lumapit sakin habang nagiging tao. Shocks! Naka topless nanaman sya. Nag iwas agad ako nang tingin.

"Anong ginagawa mo dito? Tsaka wag ka nga basta bastang nagiging wolf dyan, baka may makakita sayo."

Umupo sya sa tabi ko kaya napatingin ako sakanya. Nakasuot na sya ng kanyang P.E t-shirt. Require kasing mag P.E uniform ang mga studyante ngayong sports festival.

"Wear this on my final game." Inabot sakin ni King ang isang Jersey shirt na may kulay blue and red. Kulay ng school namin.

"Ano to?" Binulatlat ko ang nakatupi nyang jersey shirt.

Nakita kong nakatatak doon ang school logo namin sa harapan, tinignan ko din ang likuran, may nakatatak na Kasmey 04 don. "Bakit mo ipapasuot sakin to sa game nyo? Anong susuotin mo?"

"Dalawa talaga ang pinagawa kong ganyan." Aniya.

Napalunok ako. So, sinadya nyang ipagawa rin ako? Gosh. Kinikilig ako. Wag ganun, Kingston.

Her Husband is a Wolf (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum