Kabanata 27

13K 274 22
                                    

Ka-fix marriage

Umuwi na kami sa bahay pagkatapos ng reception. Hindi pa daw kasi maayos ang mga gamit sa sarili naming bahay ni King kaya hindi pa kami pinauwi don nila tita Caroline.

Dahil nga start na nang sports festival namin sa school, hindi na kami pinatuloy sa honeymoon daw namin. Mag babakasyon kami sa Korea, pero buti nalang hindi natuloy. Shocks! Hindi pa ako handa.

"Shine! Shine!" Nagmamadaling pumunta si tita Caroline sa kwarto ko.

"Bakit po tita?"

Napatigil sya, parang may mali sa sinabi ko dahil sa mga tingin nya sakin.

"Ba-bakit po?" Kinabahan ako.

"Diba mag asawa na kayo ni King. Kasmey kana kaya dapat mommy narin ang tawag mo sakin?" Nag pout si tita este mommy Caroline pala.

"Sorry po, mommy." I laughed. Umupo naman sya sa tabi ko.

"May ipapakita ako sayo." Excited na excited si mommy.

Nagmadali syang lumabas ng kwarto ko tapos pagbalik nya may dala na syang malaking picture frame. Nakabalot ito sa brown na papel kaya hindi ko makita kung anong itsura talaga.

"Ito oh!" Inabot sakin ni tita yung dala nya.

"Ano po to?" Dahan dahan kong tinanggal ang papel na nakabalot sa frame.

Nanlaki ang mata ko sa nakita. Ito yung pinaint ni Kim nung pictorial namin ni King. Ang ganda ng pagkakagawa nya, nasa side ni King yung papalubog na araw tapos sa gilid ko naman may malalaking puno. Dinagdagan nalang siguro ni Kim ang ditalye ng painting. Parang cover sa isang wolf movie ang pagkaka posed namin ni King sa painting. Basta ang ganda.

"Gusto ko sanang ilagay to dito sa bahay pero wala naman kayo nito sa bahay nyo." Ani mommy.

"Okay lang naman po kung dito nalang yan." Parang mali yung sinabi ko ah.

"Ano kaba. Sainyo to ni King, sa bahay nyo to nuh. Put this in your master's bedroom. Okay?" Nasiyahan ako at hindi pumayag si mommy sa sinabi ko.

Ang ganda kasi talaga nung painting. Parang gusto ko makita araw araw.

Kinabukasan, nasa malayo palang kami, tanaw na tanaw na namin ang mga studyanteng sumisilip sa loob ng classroom namin.

"Ano kayang meron?" Tanong ko.

Kahit kasi ibang course ay nandon.

"Hey. Anong meron?" Tinapik ko si King, tahimik lang kasi sya.

"I don't care." Tinignan nya ako. "Hayaan mo sila." Nauna syang maglakad kaya agad akong sumunod. Ang sungit.

"Excuse me. Excuse." Paulit ulit kong sinasabi sa mga studyante sa pinto, hindi kasi ako makapasok.

"Hey. My wife said excuse." Napatingin lahat dahil sa biglang sinabi ni King, according ako. Nakakaloka.

"Sorry." Sabi nung iba tapos nagbigay daan samin ni King.

Nag awkward smile nalang tuloy ako. Tong si King masyadong bulgar. Nakakahiya tuloy.

"Hi Shine. Congratulations." Bati samin ng mga classmates namin.

"Thank you." Sagot ko naman sakanila.

"Sunshine Hernandez?" Napatingin ako sa chinitang babae na may kulay pink sa ilalim na part ng buhok nya. "Ikaw ba si Sunshine Hernandez?" Lumapit sya sakin.

"O-oo. Bakit?" Bakit ako nauutal?

"So, ikaw pala yung naka fix-marriage ni Kingston Kasmey?"

Parang biglang gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi nya. Bakit nasaktan ako nung sinabi nyang fix marriage e totoo namang ganun ang nangyari samin ni King kaya kami nagpakasal.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now