Kabanata 39

13.1K 258 12
                                    

Nasa Cebu

Hinatid kami nila Minah, Yvette, Red at Niel sa airport. Ngayong ang flight namin papuntang Cebu. Kasama rin namin sina B1 at B2, pero nauna sila samin at almost half na ang nakakalipas nang dumating kami dito hindi parin namin sila nakikita. Dala kasi sila nila ang maleta namin ni King.

"Hello? Nasaan naba kayo?" Galit na si King. Kanina nya pa tinatawagan sila B1 at B2. "Dalian nyo. Yung mga gamit namin."

Tanging sling bag lang ang dala ko ngayon kung saan nakalagay ang personal things ko, like passport and plane ticket. Nasa akin din yung kay King. Pati cellphone naming dalawa, nakalagay sa bag ko.

"Anong sabi?" Tanong ko kay King pagkababa nya ng cellphone.

"Papunta na daw sila." Sagot nya.

"Eh parang yung mga bodyguard nyo pa ata ang may flight ngayon e." Sabi ni Red tapos tumawa.

After 5 minutes dumating narin sila B1 at B2. 10 minutes nalang flight na namin. Pero napansin kong iba na ang itsura nang maleta namin ni King, yung isa dark blue na may nakasulat na "Her Husband" tas yung isa pink na may nakasulat na "His Wife." E kanina parehong black lang ang maleta namin at gawa sa tela.

"Sir, pasensya na po." Sabi ni B1 pagkalapit samin.

"Bakit iba ang dala nyong maleta? Nasaan yung maleta namin?" Tanong ko.

"Inutusan po kami ni Madam Kasmey na dumaan muna sa mansion, kinuha nya po yung maleta nyo tapos ipinalit ito." Sabi ni B2.

"What? Bakit kayo pumayag? Diba kami ang amo nyo? What the hell?" King looks pissed. Hinawakan ko ang braso nya para kumalma sya.

"Calm down. Okay na yan. Hindi naman siguro lalagyan ni mommy ng kung ano ang maleta natin diba?" Sabi ko kay King.

Huminga ng malalim bago kinuha ang maleta namin sa mga bodyguard. "Umuwi na kayo. Okay na kami." Utos ni King kaya sabay na umalis ang mga ito.

"Ang cute nga nyan King e. Couple!" Ani Minah.

"Yeah. Wala nang magkakamaling lumapit kay Shine, obvious nang may asawa sya." Biro naman ni Niel. Napansin kong simula nung birthday ni King, cold na ang treatment nya kay Niel.

"Sige guys! Kita nalang tayo pag-uwi namin." Paalam ko sakanilang apat.

"Ingat kayo doon hah." Ani Yvette at niyakap ako. Niyakap narin ako ni Minah, nag high five lang kami ni Red.

"Take care." Makikipag-appear sana sakin si Niel pero kinuha ni King ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin.

"See you after 3 days." Sabi ni King sa mga kaibigan namin at hinila na ako paalis sakanila.

Hila-hila ni King ang dark blue'ng maleta na malamang ang sakanya, hila ko naman ang pink. Sabay namin itong nilagay sa baggage port.

"Hoy! Ano bang problema mo kay Niel? Ang cold mo sakanya. Tapos lagi mo pa akong nilalayo sakanya." Sabi ko kay King. Nasa loob na kami ng eroplano at nakaupo na sa seats namin. Nagsimula naring lumipad ang eroplano.

"Akala ko matalino ka?" Binigyan nya ako ng disappointed look.

"Anong connect nun?" Pagtataka ko.

"He likes you." Nabigla ako sa sinabi nya.

"Anong pinagsasabi mo? Si Yvette ang gusto nya."

"Pero hindi sya gusto ni Yvette." Lalo akong nagtaka sa sinabi ni King.

"Anong-" Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko, sumandal si King sa upuan nya at ipinikit ang mata. What? Tutulugan nya ako? "King?" Inalog ko sya pero hindi man lang sya gumalaw. Nag-pout ako. "Tulugan ba naman ako?" Inis-naban ko sya tapos tumingin nalang sa bintana.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now