Kabanata 46

12.1K 256 3
                                    

Eye contact

Kinabukasan, nauna akong nagising kina Minah at Yvette. Pumasok agad ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ko maligo, naabutan ko si Yvette na kakagising lang, ginigising nya narin si Minah.

"Good morning, Shine." Sabi sakin ni Yvette pagkatingin nya sakin.

"Good morning din." Inayos ko ang tuwalya na nakabalot sa buhok ko.

"Pwede ikaw nalang gumising kay Minah?" Tinuro nya si Minah na tulog na tulog parin. "Maliligo na kasi ako e." Dugtong nya.

"Oo, sige. Ako nang bahala." I said.

"Sige." Sabi ni Yvette tapos kinuha ang tuwalya na nakasampay sa cabinet nya, pumasok na sya sa cr.

Nag-suot muna nang underwear bago ginising si Minah. "Min, gising na, papasok na tayo." Gising ko sakanya. "Minah!" Inalog-alog ko na sya. Ayaw parin gumising e.

"Five minutes pa." Ani Minah habang nakapikit pa.

Tumingin ako sa wall clock, 6am na at 7:30am ang pasok namin. "You only have one hour para mag-ayos, gusto mo bang makita ka ni Red na mukhang nanay?" Bulong ko kay Minah.

Nagulat ako nang bigla syang bumangon at kumuha nang tuwalya sa cabinet nya, dali-dali syang lumapit sa pinto nang banyo pero hindi nya ito mabuksan, malamang dahil nasa loob pa si Yvette. "Hindi pa tapos si Yvette." Nilingon ako ni Minah.

Bigla nyang kinatok nang pagkalakas-lakas ang pinto nang cr. "Yvette! Dalian mo, malililate tayo!" Nagsisisigaw na si Minah. Natatawa nalang ako sakanya.

Nag-suot na ako nang uniform at humarap sa salamin para mag-ayos. Maya-maya ay lumabas narin sa cr si Yvette, pumasok na agad si Minah. Naka-uniform nang lumabas si Yvette, pinupunasan nya nalang nang tuwalya ang basa nyang buhok. "Anong ginawa mo doon? Bakit maagang nagising?" Tanong sakin ni Yvette.

"Wala naman. Sinabihan ko lang sya na baka makita sya ni Red na mukha nanay kapag hindi sya nakapag-ayos nang sarili." Ani ko.

Tumawa si Yvette. "Yan na nga din sasabihin ko sakanya para magising nang maaga, lagi nalang kasi syang rush kumilos dahil nga kulang na sa oras."

Sa karederya ni tita Cora kami nag-almusal. "Madam, tatlong tapsilog saka tatlong kape, yung isa black coffee hah?" Sabi ni Yvette kay tita Cora.

"Copy that." Sagot naman ni tita Cora.

Pagkatapos naming kumain ay nagbayad na kami nang kinain namin tapos ay pumunta na kami sa sakanyan nang jeep papuntang school. Hindi na akong sanay na nangko-commute papasok, lagi kasi kaming naka-kotse ni King e. Shit! KING! Lagi nalang sya ang nasa isip ko sa kahit anong ginagawa ko.

"Shine, okay ka lang?" Tanong ni Minah, napansin siguro ang pagkatulala ko.

"Huh? Oo naman." I smiled to her.

"Bayad po." Tinignan muna ako ni Yvette bago nagbayad sa jeepney driver.

Mabilis kaming nakarating sa school. Shocks! Hindi pa nga kami nakakarating sa classroom, ang bilis na nang kabog nang puso ko, kinakabahan pa ako. Ano nalang gagawin ko kapag pumasok narin si King ngayong araw? Baka manghina ako sa oras na magka-tinginan na kaming dalawa. Hay! Help me lord!

"HOY!" Gulat ni Red samin. Biglang silang sumulpot ni Niel sa likod namin. Humarap naman kaming tatlo sakanila.

"Oh? Bakit magkakasabay ata kayong tatlo pumasok ngayon?" Pagtataka ni Niel.

"Baka sa apartment na ulit nakatira si Shine." Nagkatinginan na kami nila Minah at Yvette dahil sa sinabi ni Red.

"Hindi nuh! Tara na nga. Pasok na tayo!" Kumapit si Minah sa braso ni Red at hinila ito papasok sa classroom. Naiwan kami nila Yvette at Niel sa labas.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now