Kabanata 14

14.8K 369 4
                                    

Your Butler

"Feel at home darling. Pamilya mo narin kami." Sabi sakin ni tita Caroline.

"Salamat po."

Nasa sala nila kami ngayon at nakaupo sa malaki nilang sofa. Ang ganda ng bahay nila. Parang palasyo.

Nagkwekwento pa si tita tungkol sa pamilya nila at sa mga rules. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nya sakin.

Hindi maiwasang hindi mapatingin kay King. Seryoso ang mukha nyang habang nagbabasa ng libro. Parang may ibang aura akong nararamdaman sakanya, o sa bahay lang nila ito?

"Don't worry sweetie, hindi namin kayo matitigilin ng pag aaral kapag mag asawa na kayo. Actually si King ang nagsabi samin nun. May pangarap kang gusto mong tuparin." Sabi ni tita.

Habang nagkwekwentuhan kami ay bumukas ang double door nila. Napatingin ako kung sino yung dumating.

Isang matipunong lalaki na mga mid-40's na siguro, para syang si King sa future. Kahit medyo may edad na ito ay malaki parin ang katawan nya at parang binata parin ang aura.

"Honey!" Tumayo si tita Caro, nilapitan nya agad ang lalaki at hinalikan sa pisngi. "Shine, this is your tito Todd." Baling sakin ni tita Caro.

Tumayo ako at ngumiti kay tito Todd. "Ako po si Sunshine Hernandez."

"Hi Shine. It's nice to meet you. Maganda ka nga!" Sabi nya habang lumalapit sakin. Nakangiti lang ako.

Pero bigla kong naalala ang sinabi nila King at tita Caro. Si tito Todd ang alpha ngayon. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Napa atras ako ng malapit na sya sakin.

"Woah! Are you scared of me?" Tawa nya. Napatingin ako kay tita Caro na kalmado lang naman. Wala namang mangyayari saking masama diba? "Wag kang mag alala wala akong planong kainin ka, papakasalan ka pa ng anak ko." Bumaling sya kay King na nakasimangot na ngayon.

Naging kalmado narin ako. Nakipag usap narin si tito Todd samin. Nakaka tawa sya. Kahit magkamukha sila ni King, mag kaiba sila ng ugali. May pag ka cold minsan si King samantalang si tito Todd kapag hindi nya sinabing Wolf sya hindi mo talaga malalaman. Tawa lang kami ng tawa habang nagkwekwentuhan sa sala nila.

"Sige na iha, don ka na muna sa kwarto mo, we will call if the dinners ready." Sabi sakin ni tita Caro.

Ngumiti ako at tumayo na. "Butler Ken, samahan mo naman si Shine sa room nya." Utos ni tita kay Ken. Nag katinginan naman kaming dalawa.

"Tara po Miss Shine." Sabi ni Ken. Aamba na sana akong sasama sakanya pero natigilan ako ng may humawak sa kamay ko.

"Ako nang maghahatid sakanya." Matigas ang pagkaka sabi ni King.

Napatingin ako sa biglang pag ubo ni tito Todd, obvious namang sinadya nya ito. "Osige na King, ikaw na." Sabi nya sa anak.

Pagtingin ko kay Ken, nakatitig lang sya sa kamay kong hinahawakan ni King. Napalunok ako dahil sa naramramdamang tensyon sakanilang dalawa.

Hinatid na ako ni King sa magiging kwarto ko sa bahay nila. Natulala ako ng buksan nya ang pintuan nito. Sobrang ganda. Mas malaki pa sa bahay namin, pink and white ang kombinasyon ng kwarto, madami ding mga stuffed toys.

"Go inside." Ani King.

Dahan dahan akong pumasok. Naramdman ko agad ang lami ng kwarto dahil sa aircon. Mas lalo kong nakita ang laman nito, may flat screen tv sa paanan ng kamang malaki at kulay white. Ang unan lang nito ang kulay pink. May computer din sa bandang gilid. May dalawang maliit na side table sa magkabilaang parte ng kama. Basta ang ganda. Every girls dream room.

"My mom decorated this for you." Napatingin ako kay King na nasa likuran ko lang. "Pangarap nyang magkaroon ng baaeng anak kaya tuwang tuwa sya nung malamang dito kana titira." Serious face lang ang mokong.

"Ang ganda." Sabi ko.

Natahimik lang kaming dalawa. Napalunok dahil nakakabingi ang katahimikan. Nag isip ako ng pwede naming pag usapan, ang awkward kasi e. "Amph. Wolf din ba si Ken?"

Nagulat ako ng bigla akong itulak ni King kaya napaupo ako sa kama, sobrang lapit ng mukha nya sakin. Tanging mga kamay ko lang ang nakasuporta para hindi ako tuluyang mapahiga. "Ki-king.."

"He's not a wolf, at kung hindi mo titigilan ang pagiging malapit sakanya..I will eat him." Napalunok ako dahil sa huli nyang sinabi.

"Ano..Hi-hindi na-naman kami close e." Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang bilis ng tibok ng puso, may kung ano sa sistema ko. Nag iinit ang mukha. Hala! Baka obvious na ang pamumula ng mukha ko.

"Then call him Butler. Hindi mo sya kaibigan. He's our Butler, your Butler." Galit ang tono nya.

Konting konti nalang ang lapit ng mukha naming dalawa. Amoy na amoy ko na ang hininga nya. Ang bango. "O-okay!" Pag sang ayon ko. Wala na akong ibang masabi dahil sa nararamdaman ko ngayon.

Eye to eye contact lang kami hanggang sa bumama ang tingin nya sa ilong pababa sa labi ko. Lalo akong kinabahan. Ilang beses akong napalunok.

Ginulo nya ang buhok nya bago tumayo ng maayos. Nakahinga naman ako ng maayos. Grabe yung tibok ng puso ko.

"Sa katabing pinto lang nito ang kwarto ko, just call me if you need something." Aniya at tumingin ulit sakin.

Shocks! Lalo syang gwumapo nung ginulo nya ang kanyang buhok. "Si-sige." Ang bilis parin ng tibok ng puso ko.

Bumaba ulit ang tingin nya sa labi ko bago tuluyang lumabas. "Shocks! Mababaliw ako don. Kalma lang Shine, kalma." Tinampal tampal ko ang pisngi ko.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now