Kabanata 24

14.1K 290 7
                                    

Ang ingay mo

Naupo muna kami sa food court. Magkakasama parin kami nila Minah, Red, ako at syempre ang walang katapusang tumitig na si King.

Kahit pumapapak na sya ng pizza ay nakatitig parin sya sakin. Pinapandilatan ko lang sya ng mata para itigil nya na ang ginagawa nya. Ang awkward kaya.

Simula nang tumira ako sakanila, parang nag iba na sya. Although hindi ko pa naman talaga sya kilala. Basta. Kasi dati parang ang amo amo nyang tuta tapos biglang..Boom!

"Guys, cr lang ako ah." Paalam ko sakanila.

Namamawis na kasi yung kamay ko dahil kay King e. Kapag hindi ako umalis dito baka..boom din ako.

Nag hugas muna ako ng kamay.

Iniisip ko parin yung mga titig sakin ni King. "Bakit ba sya ganun-"

napahinto ako nang marealize na hindi lang pala ako ang tao sa cr. Ngumiti lang ako then naglabasan na silang lahat. Tatlong magkakaibigan lang naman sila.

Nagulat ako nang biglang sumara ang pinto ng cr.

"King?" Sabi ko pagkakita na si King pala ang nagsara non. "Bakit ka nandito?"

"Nag uusap na sila Yvette at Niel." Aniya.

"Talaga?" Bigla akong kinanahan. "Naririnig mo? Nasan sila?"

"Nasa kabilang cr lang. Akala ko pumunta ka dito dahil alam mong nandito sila." Aniya.

"Hindi naman ako wolf e. Teka! Ano bang pinag uusapan nila? Naririnig mo ba?"

"Oo. Pero hindi ko sasabihin sayo." Nang aasar ba sya.

"Bakit ayaw mong sabihin? Huh?"

"Kasi masama ang nakikinig sa usapan ng iba."

"Tss. Gusto ko lang namang malaman kung bakit ginawa ni Niel kay Yvette yun, kaibigan naman nila ako kaya-"

Napahinto ako ng bigla akong idikit ni King sa pader at biglang hinalikan. Huminto ang oras, bukas na bukas ang mata ko habang sya ay medyo nakapikit. Smack lang naman yun pero parang ang tagal na. Ang lambot ng labi nya.

Kahit medyo nanghihina ako sa ginawa nya triny ko paring itulak sya palayo sakin. Pero sya na mismo ang unang umatras.

"Ang ingay mo."

Sabi nya tapos lumabas na ng cr. Naiwan akong tahimik at tulala.

Shit kang Kingston ka! Bakit ganito nalang ang epekto nya sakin? Dati naman hindi ganito. Oo, inaamin kong naging crush ko sya pero hindi kasing bilis ng ganito ang tibok ng puso ko.

Bumalik lang ako sa reality nang may pumasok na babae sa cr, pinag tinginan nila ako kaya lumabas nalang ako.

Sakto namang pagkalabas ko ay nakasalubong ko sila Niel at Yvette.

"Shine." Nagulat si Yvette nang makita nya ako pero mabilis din itong nawala.

Hindi ko ma explain ang mga reaksyon nila. Nagka ayos naba sila?

"Nandyan pala kayo." Sabi ko.

"Nasan sila King?" Napatingin ako kay Niel.

This time parang alam ko na ang expression ng mukha nya. Disappointed.

"Nasa food court sila." Sagot ko.

Naglakad na paalis si Niel. Naiwan kami ni Yvette. Tahimik lang sya.

"Okay ka lang?" I asked.

Tumingin sy sakin. Nagulat ako nang makitang may luhang tutulo sa mata nya pero pinipigilan nya ito.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now