Kabanata 34

12.4K 259 5
                                    

Text message

Dumating ang araw nang linggo. 75th birthday ni Wuwa. Ni-ready na namin ni King ang mga susuotin namin, sabado palang. Si mommy ang namili nang dress ko.

"Shine! Let's go." Sigaw ni King galing sa 1st floor. Hindi pa kasi ako tapos mag-ayos e.

"Wait lang naman." Sabi ko tapos nag-madali nang tapusin ang make up ko.

Naka-round neck short dress ako na kulay pula, may parang necklace na nakadikit sa parteng leeg nito kaya hindi ko na kailanang mag-suot nang accessories. Tapos naka puting flats lang ako. Naka-pony tail ang medyo kulot kong buhok, nakalugay lang ang straight kong bangs. Nagdala lang ako pouch na kakulay nang sapatos ko. Hindi ko masyadong kinapalan ang make up ko.

"Ang tagal mo naman." Reklamo ni King pagka-baba ko.

"Sorry hah! Ikaw kaya maging babae." Sagot ko.

Semi-formal ang suot ni King. Itim na v-neck shirt tapos may naka-patong na dark blue'ng suit. Naka-short lang syang hanggang tuhod nya na kakulay nang suit nya. Naka-rubber shoes lang sya. Pero kahit hindi masyadong pormal ang suot ni King, ang gwapo nya talaga. Medyo nakataas ang buhok nya. Lalong nae-emphasize ang mukha nya. Ang bango nya pa. Kyaaa! Nakakaloka!

"Tara na nga." Nauna syang mag-lakad palabas nang bahay. Nag-pout lang ako tapos sumunod narin sakanya. Ang gwapo nga, minsan suplado naman.

Pinag-buksan nya ako nang pinto nang kotse. Napansin ko ang sapatos nya. Puro ganun ang rubber shoes nya pero iba-iba nang design.

"Anong tawag dyan sa sapatos mo?" Tanong ko tapos sumakay na sa kotse.

"Air Max sneakers." Sagot nya tapos sumakay narin. "Bakit? Gusto mo?"

"Huh? Hindi naman. Ang dami mo kasing ganyan e." Sabi ko.

After 15 minutes siguro, nakarating na kami sa mansion nila wuwa. Pareho lang nang laki kagaya nang mansion nila mommy Caroline. 7pm pa ang start nang party, 6pm palang ngayon pero madami nang tao.

"Let's go greet wuwa." Sabi ni King pagka-baba namin nang kotse. Pinadausdos nya ang braso nya sa beywang ko.

Sanay na ako sa mga ganung gesture ni King kaya hinahayaan ko nalang.

"King! Sunny!" Tawag ni wuwa pagka-kita nya samin ni King.

"Happy birthday po wuwa." Nauna syang i-beso ni King.

"Happy birthday po." Sabi ko tapos bumeso narin sakanya.

"I'm glad you're here." Sabi ni wuwa. Nag-ngitian kami.

"Wala pa po sila daddy at mommy?" Nakita ko ang pag-libot ni King sa mata nya para hanapin ang kanyang parents.

"Hay naku! Nasa office pa daw. Alam mo naman yung dalawang yun diba?" Sabi ni tita Kristine.

"Papunta na daw sila." Sabi ni tito Lucio tapoa tumingin sakin. "You look beautiful, Sunshine!" Aniya.

"Salamat po." I smiled. Pero parang may iba akong naramdaman sa tingin sakin ni tito Lucio. Parang bigla akong kinabahan.

Mas lalong dumami ang mga bisita. Lahat nang bisita namin noon sa kasal ay nandito narin sa mansion nila wuwa. Dumating narin sila mommy Caroline at daddy Todd. Naka maxi dress na black si mommy, si daddy naman ay naka-suit and tie na parehong itim. Nasa iisang table lang kami, kasama sila tito Lucio at tita Kristine, nakikipag-laro naman ako kay Debbie. Si wuwa sinamahan ni King na i-welcome ang mga dumadating pang bisita.

Nawe-weirduhan parin ako kapag tumitingin sakin si tito Lucio. Nginingitian ko lang sya. Pero iba talaga e. Kinakabahan ako na ano.

"Ate Shine!" Parang natauhan ako sa biglang pag-tawag sakin ni Debbie. "Okay ka lang po? May iniisip kaba?" She asked.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now