Kabanata 8

17.9K 416 4
                                    

Hear everything

Nagaayos kami nila Minah at Yvette ng gamit para makauwi na.

Napatigil sila Minah sa ginagawa dahil sa paglapit samin nila King at ng mga kaibigan nyang sina Niel at Red.

"Shine, hatid na namin kayo?" Sabi ni King.

Magsasalita na sana si Minah pero agad ko syang pinigilan.

"HINDI! Okay lang, malapit lang apartment namin dito." Sabi ko.


"Are you sure? Baka pwede naman? Diba Minah?" Sabi ni Red sabay kindat kay Minah.

"Pwede naman e." Mahinhin na sagot ni Minah.

For sure, crush nya si Red. Konting pacute lang nung lalaki, kinikilig na agad ang loka.

"Minah, ano kaba! Si Sunshine ang magdedecide!" Sabi ni Yvette. Buti pato e. Kahit tahimik, nakakaintindi naman.

"Okay lang talaga Kingston! Hindi na kailangan. Saka naguguluhan parin ako." Sabi ko.

Napatingin naman silang lahat, yung tingin na may gulat at pagtataka. "Tara na nga!" Sabi ko sabay hila sa dalawang babaeng kasama ko.


Nang makarating na kami sa apartment, kinukulit parin ako nila Minah kung ano bang pinagusapan namin ni King sa rooftop.

"Wala lang yun!" Paulit ulit kong sagot.

Sigurado, pag kwenento ko sakanilang dalawa yung inamin sakin ni King, pagtatawanan lang ako ng dalawang to. Hanggang ngayon hindi parin sumi-sink in sa utak ko yung sinabi nya e.

Patulog nalang kami, kinukulit parin ako ni Minah.

"Sige sige! Sasabihin ko na, pero wag kang tatawa hah." Sabi ko.

Tumungo tungo naman agad ang loka.

"Werewolf daw si King at ako ang mate nya. Kailangan naming magpakasal para maging alpha sya" Tinignan ko si Minah at Yve kung tatawa sila, pero hindi maexplain ang expression nilang dalawa.

"Wait lang Shine hah. Magccr lang ako." Sabi ni Minah

"Ah, may kukunin lang ako sa labas!" Sunod na sabi ni Yve at sabay silang umalis sa harapan ko.

Kahit nasa cr at labas, rinig na rinig ko parin ang tawa nila Minah at Yve. "Mga baliw talaga! Sabing wag akong pagtawanan e."

Habang inaantay sila Minah at Yve pumasok, biglang may nagtext sa cellphone ko.

Uknown:

I'm infront of your apartment. Can you see me here?

Nagreply agad ako.

Baliw!

Nagreply naman agad yung uknown.

Ako to si King.

Napanganga ako. Nasa labas sya ng apartment? Anong ginagawa nya dito? Putcha.

Agad akong nagsuot ng jacket at lumabas, nakasalubong ko si Yve.

"San ka pupunta?" Tanong nya.

"Ah may bibilhin lang!" Sagot ko agad at lumabas na.

Pagkalabas ko, nakita ko agad si King, nakasandal sya sa itim na kotse na sa tingin ko sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko agad pagkalapit sakanya.

"I just want to say goodnight?" Sagot nya.

"Yun lang? Pwede ka namang magtext? At speaking of text, pano mo nalaman ang number ko?" Pang starstalk na ang pagtanong ko.

"I already said to you na binabantayan ka namin diba? Alam namin lahat sayo!" Sagot nya.

"And I hear everything!" Sabi nya.

"Anong everything?" Tanong ko.

"Lahat ng sinabi mo sa mga kaibigan mo." Sabi nya.


Napatakip akong ng bibig. Hala! Narinig nya lahat yun? Baka anong gawin sakin nito dahil sinabi ko ang sekreto nya. Putcha!

Her Husband is a Wolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon