Kabanata 38

13.6K 288 3
                                    

Warning: SPG. Pasensya na po:)

.......................................................

Okay lang

Dahil nakatulog na si King, tinapos narin ang party. Nagdesisyon akong umuwi na, tutal lunes nanaman bukas. May pasok pa kami.

"Guys, una na kami ah? Tulog na to e." Paalam ko sa mga kaibigan namin. Naka-akbay sakin ang kanang kamay ni King, yung kaliwa naman nya naka-akbay kay B1.

"Sige Shine. Ingat kayo." Ani Yvette.

"Sige babye." Nag-wave naman si Minah.

"Happy birthday King." Sabi ni Red kahit alam naman nyanh hindi sya maririnig nito.

"Ingat kayo." Mahinang tugon ni Niel. Nginitian ko silang lahat at nag-lakad na paalis.

Nagtulungan kami ni B1 na isakay si King sa kotse, nauna na kasing umuwi sila mommy. Nang makapasok na si King sa backseat, sumunod narin ako.

"Psst. Umayos ka nang upo." Tinapik ko si King, nasa bintana na kasi ang ulo nya, baka mauntog sya. "King!" Tawag ko sakanya nang hindi man lang sya gumalaw sa sinabi ko. Ay! Ayaw talaga. Hinatak ko nalang ang braso nya pero imbes na umayos ay pumatong ang ulo nya sa leeg ko.

Shocks! Nararamdaman ko na ang init nang pag-hinga nya. Bakit bigla akong kinabahan? Hala sya!

"Salamat po. Ako nang bahala dito." Sabi ko kay B1 nang makapasok na kami sa bahay. Inupo namin si King sa sofa.

"Sige po ma'am." Sabi nya at lumabas na.

Umupo naman ako sa tabi ni King. "Ang bilis mo namang malasing." Bulong ko.

"Hindi ako lasing." Napatalon ako nang biglang sumagot si King.

"Gising ka pala?" I asked.

"Kanina tulog talaga ako, nagising lang ako nung naamoy na kita." Sagot nya.

"Anong naamoy?-" Naalala ko yung pagpatong nang ulo nya sa leeg ko. Biglang nag-init ang mukha ko. "Halika na nga." Hinatak ko ang braso nya. Baka mapansin nya pa ang reaskyon ko.

Hindi ko na sya kailangang alalayan sa pag-akyat sa second floor, kaya nya nanaman. Hinarap nya lang ako nung nasa tapat na kami nang masters bedroom.

"Good night, Shine!" Sabi nya at hinalikan ako sa noo.

"Good night." I smiled. "Ah!" May bigla akong naalala. Kinuha ko sa pouch ko ang regalo ko kay King. Bracelet din, pero pang-lalaki at puro black stone ang design. "Here." Pinakita ko sakanya yung bracelet.

"Oh? Akala ko ba gagawan mo palang ako?" Tanong nya tapos kinuha sakin yung bracelet.

"Syempre hindi na surprise kapag sinabi ko sayo na ganun ang regalo. Hindi ko nga expected na gusto mo rin nang ganun e." Sabi ko.

Nag-smile si King. Parang nag-slow motion nanaman ang lahat. "Salamat." He bite his lower lip.

Shitness! Ang gwapo nya friend.

"Akin na nga." Inagaw ko sakanya ang bracelet at sinuot sa kamay nya. "Happy birthday King." Hinalikan ko ang bracelet sa kamay nya.

Nung tumingin ako sakanya ay nakita ko ang pag-laki nang mata nya dahil sa ginawa ko. "I-I'm sorry." Napakamot ako sa batok.

"Okay lang." Aniya.

Nagkatitigan kami, tapos unti unti nang lumalit ang mukha ni King sakin, napalunok ako at the same time napapikit narin dahil sa nagbabadya nyang halik. Hindi nga ako nagkamali. Inatake nya ako nang halik. Nakakalasing ang bawat halik nya sa labi ko.

Her Husband is a Wolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon