Kabanata 42

12.3K 238 3
                                    

Kinakabahan

Mga kalahating oras bago kami nagdesisyong bumalik sa palayan, nag-linis narin kasi kami sa bahay.

"Shine? Kanina ko pa nanapansin na kabado ka?" Ani nanay habang naglalakad kami papuntang palayan.

Kanina pa nga ako kinakabahan. Hindi ako mapakali, iniisip ko kung anong pinag-uusapan nila King at tatay. Galit parin kaya si tatay? Hindi nya parin ba gusto si King para sakin? Aish! Mahal ko si King at hindi ko na alam ang gagawin ko kapag ayaw parin sakanya ni tatay.

"Nag-aalala ka ba dahil hindi pa tanggap nang tatay mo si Kingston?" Tanong ni nanay.

Huminga ako nang malalim tsaka tumungo. "Hindi ko po alam ang gagawin kung hindi sila magkasundo."

Hinawakan ni nanay at kamay ko. "Wag kang mag-alala, mabait na bata si King, magugustuhan din sya ng tatay mo. Pakipot lang yang tatay mo." Sabi ni nanay tapos tumawa.

Ngumiti lang ako pero may pag-aalala parin. Nang makarating kami sa palayan, naabutan sila King at tatay na nagpapalay ulit but this time, nagtatawanan sila habang nagkwekwentuhan.

"Sabi sayo e." Bulong sakin ni nanay bago lumapit kina tatay.

Tumingin sakin si tatay at tinuro ako kaya lumingon sakin si King. Ngumiti ako sakanya tsaka lumapit.

"Anong pinag-usapan nyo? Bakit nagkakatuwaan na kayo ngayon?" Bulong ko kay King nang matapos sila sa pagtatanim.

"Secret!" Biro nya. Pinalo ko sya sa braso, tumawa pa ang loko.

"Ano nga?" Pag-uulit ko.

"I just being honest, Shine! Sinabi ko lang kung ganu kita kamahal at lagi akong nasa tabi mo." Aniya. Napangiti ako.

"Buti naman." Nakahinga na ako nang maluwag ngayon.

Pagkatapos namin sa palayan at sumama na sila nanay at tatay sa hotel. Nag-swimming ulit kami, pero sa indoor swimming pool nalang nang hotel, madilim na kasi. Kumain kami nang hapunan sa restaurant na kinainan din namin kanina.

"May hotel room po akong pina-reserve sainyo." Ani King sa mga magulang ko.

"Eh saan naman ako matutulog?" Tanong ni Thunder habang pumapapak ng dessert.

Nag-isip ako. Hindi sya pwede sa kwarto nila nanay. "Sa kwarto ka nalang namin ni King, may pinalagay kaming malaking sofa doon e." Bumaling ako kay King na mukhang nabigla sa sinabi ko.

"Okay." Sagot ni Thunder.

Nagkibit-balikat nalang ako sa naging reaksyon ni King.

"Good night po, nay, tay." Sabi ni King sa mga magulang ko nang ihatid namin sila sa hotel room nila, mga apat na kwarto ang pagitan sa kwarto namin.

"Sige. Matulog kayo nang mahimbing." Ani tatay, nagmano kami sakanila ni nanay bago sila pumasok.

"Anong problema mo?" Bulong ko kay King, magka-holding hands kaming naglalakad.

"Sure kang satin matutulog si Thunder?" Bulong nya pabalik.

Nagtaka ako sa tanong nya. "Oo." Tinignan ko si Thunder na nauunang maglakad samin. "Bakit naman?" Walang sinagot si King, nag-pout nanaman sya. Shete! Ang cute!

"Ang lambot nang kama." Pagkapasok namin, sumalampak agad si Thunder sa kama.

"Hoy! Magpalit ka nang pantulog." Pinalo ko si Thunder sa paa.

Sinunod ni Thunder ang sinabi ko, pumasok sya nang cr tapos nagpalit nang T-shirt at short pantulog. Pagkatapos nya ay ako naman ang nag-banyo, nagpalit ako nang T-shirt na may ka-partner na pajama. Red ang kulay nito at maliliit na yellow na star ang design. Magka-parehas kami ni King nang pantulog, kulay blue lang sakanya pero yung stars ay pareho rin.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now