Kabanata 51

12K 205 5
                                    

Congratulations

Pagkatapos naming mag-almusal, naligo ako at nagpalit ng floral dress tapos flat shoes. Nagsabi sila Minah at Yvette na gusto nilang sumama sa pagpunta namin ni mommy sa OB, pumayag naman ito.

"Shocks! Kinakabahan ako." Sabi ni Minah, ako ang nasa gitna nila ni Yvette, tatlo kaming nasa backseat.

"Parang ikaw pa yung magpapa-check up, Minah." Bagsag sakanya ni Yvette.

"Syempre, ninang tayo kapag nagkaroon na ng baby si Shine at King." Minah smiled at me. Nginitian ko rin sya.

Nang makarating kami sa OB ay simahan ako ni mommy Caroline. Chineck-up ni Doktora Pascual. Ilang examination ang ginawa sakin.

"Congratulations, Mrs Kasmey, you're 3 weeks pregnant." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Doctor Pascual. Hindi ako makapaniwala.

"Oh my gosh, Shine! You're pregnant. Magkaka-apo na ako." Napayakap sakin si mommy dahil sa sobrang excitement. Hindi ko alam kung anong ilalabas kong emosyon. I can't explain what I'm feeling right now.

Hindi ko expected na mabubuntis ako, pero hindi ko naman inalis sa isip ko ang possibility na mangyari nga iyon, never kaming gumamit ni King ng kahit anong pang-iwas. Alam naman ni King na gusto ko munang makapag-tapos ng pag-aaral. But this is the best unexpected thing that happen to me. Magiging nanay na ako, magiging tatay na si King. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko pero isa lang ang nangingibabaw sakin ngayon. I'm so happy.

"Wow! Congratulations, Shine." Bati sakin ni Yvette ng lumabas na kami ni mommy sa office ni Doctor Pascual, sinabi ko sakanila ang good news.

"Ilang buwan na daw?" Tanong ni Minah matapos nila akong yakapin.

Umiling ako. "Weeks palang. 3 weeks." Paglilinaw ko. Nabuo sya nung unang beses namin ni King.

"Ah. I'm so happy for you. Mommy ka na." Malambing na sabi ni Minah tapos niyakap ulit ako.

"Hey, Shine. Gusto kang kausapin ng daddy Todd mo. I'm sorry, ako nang nagbalita sakanya." Inabot sakin ni mommy ang cellphone nya, agad ko itong nilagay sa tenga ko.

"Hello?"

"Hi, hija! Totoo ba? Magkaka-apo na ako?" Excited din ang tono ni daddy. Napangiti naman ako.

"Opo. Three weeks pregnant na po ako."

"Congratulations. That's the best news I ever heard." Ani daddy.

"Salamat po."

"No. Thank you, kasi ikaw ang magdadala ng unang apo ko." He laughed.

Bigla kong naalala ang asawa ko. Sya ang unang makaalam ng tungkol sa magiging baby namin. "Si..si King po? Kasama nyo ba sya?" Tanong ko kay daddy.

"He's with Shasha.." Nakaramdam ako ng sakit sa aking puso dahil sa narinig

Napalunok ako. "Na-nasaan po si-sila?" Nauutal kong tanong.

"Nasa Ireland sila ngayon, nakikipag deal sa ilang pang mga werewolf." Sagot ni daddy Todd.

"Ganun po ba?" Kinagat ko ang ibaba kong labi.

"Don't worry Shine, magbalik nya sasabihin ko agad sakanya ang good news."

"Hindi na po daddy, ako na pong bahalang magsabi kay King."

"Okay then, take care of yourself hah. Wag kang mahihiyang magsabi sa mommy mo kung may kailngan ka." I nodded kahit hindi naman nakikita ni daddy.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now