Huling Kabanata

15.8K 294 20
                                    

Hi guys! This will be the last kabanata. Again, maraming maraming salamat sa lahat ng readers nitong Her husband. Hindi ko po expected na dadami ang reads and votes nito. Shocks! Naiiyak ako! HahahaxD Thank you very much. Sana suportahan nyo ang susunod kong Werewolf story, it's about Debbie, if you know her. Salamat po. Love lots❤

-

Habang Buhay

Halos tatlong buwan na ang nakakalipas, unti-unti ng humuhubog ang laki ng aking tyan. Konti nalang din malalaman na kung ano ba ang gender ng anak ko. Sa loob ng ilang buwan, hindi parin kami nagkakausap ni King, walang ni tawag o text galing sakanya. Lubos ang aking pag-aalala pero may tiwala ako sakanya. Gaya ng ipinangako kay Ken, hindi ko isusuko ang asawa ko.

"Nay, magpapahangin lang po ako." Paalam ko kay nanay pagkatapos naming mag-almusal. Lumabas ako ng bahay at naglakad sa seashore.

Kasabay ng paghampas ng hangin ang pagsayaw ng suot kong white spaghetti strap dress, wala itong ibang design. Hindi masyadong mainit ang buhangin kaya hinubad ko nalang ang tsinelas ko.

Napapangiti ako habang inaalala ang mga pagkakataong magkasama kami ni King, iyong mga kulitan namin at asaran. "I miss you, my King." Bulong ko.

"I miss you too, my Sunshine."

Nagulat ako ng biglang may magsalita sa hindi kalayuan. Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses, it's very familiar dahil boses iyon ni King. Nilibot ko ang mata ko pero wala naman akong nakita na kahit sino.

Baka guni-guni ko lang iyon.

Huminga ako ng malalim at nagpasyang bumalik na sa loob ng bahay. Nanlaki ang mata ko ng pagkalingon ko ay nasa harapan ko na si King. "Ki-King?" Nauutal ako. Hindi makapaniwala. "King? Ikaw ba talaga yan?" I reached for him.

Inabt ko ang mukha nya at hinawakan ito. "I'm back my Sunshine." Sabi nya sa malambing na tono. Hindi ko napigilan ang luha ko, sobran nangulila ako sakanya.

Tinakpan ko ng kamay ko ang mukha ko, ayokong ipakita kay King ang luhaan kong mukha. Pero dahan-dahan nyang tinanggal ang kamay ko saking mukha, inilapit nya sakin ang kanyang mukha, napapikit ako. Akala ko ay hahalikan nya ako sa labi pero sa mga mata ko napunta ang halik nya, parang tinatanggal nya ang mga luha ko kagaya ng ginawa ko sakanya noon.

"I miss you so much." Aniya pagkatapos akong halikan sa mata. Niyakap nya ako ng sobrang higpit. "Sorry kung ngayon lang ako."

"King, buntis ako." Tanging nasabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Alam ko." Pinunasan nya gamit ng kamay nya ang mga luha ko sa mata. "Kaya nagmadali akong umuwi e."

Lalo akong naiyak. "Pero bakit hindi ka man lang tumatawag? Ang sabi mo lagi kang tatawag?"


"I'm sorry, walang signal sa kubat kaya hindi kita natatawagan, nandoon kami for almost 2 months. Walang signal walang internet, I can't communicate with you." Aniya.


Humiwalay ako sa pagkakayakap nya. "Yung tungkol kay Shasha?" Iyon lang ang sinabi ko pero alam nya na kung anong ibig kong sabihin.

"She wants to separate us, pero never bumaling sa isip ko na iyon ang plano nya, akala ko tinutulungan nya lang ako, until Ken talked to me, he told me everything.." hinawakan ni King ang mukha ko. "Shine, I'm sorry, I don't want you to be hurt."


Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now