Kabanata 32

13.5K 296 15
                                    

Can you wait

"Hindi kaba nagugutom?" Tanong ni King nang ihatid nya ako sa kwarto ko.

Umiling ako. "Hindi. Kumain kami kanina."

"Okay. Good night then!" Ngumiti sya. Shocks! Ang gwapo nya talaga.

"Good night din." Nag-smile narin ako tapos sinarado na ang pinto.

Dumiretso na ako sa banyo para maka-ligo na. Napatingin ako sa salamin. Shems! Naalala ko iyong kissing scene namin ni King. Ang lambot talaga nang labi. Gusto ko pa. "Aish! Ano bang pinag-iisip mo Shine?" Binatukan ko ang sarili ko.

Kinabukasan, pagka-baba ko nakita ko agad sila mommy at daddy na nasa dining table na. "Good morning po." Bati ko sakanila. Hindi ko alam na nakauwi rin pala sila kagabi.

"Good Morning." Nagulat ako nang bigla akong halikan ni King sa pisngi tapos umupo na agad sya.

"Go-good Morning din." Shocks! Nauutal ako.

"Oh? Ano pang ginagawa mo dyan, Shine? Maupo kana at mag-almusal na." Sabi ni daddy Todd.

Oo nga pala. Natigilan kasi ako sa ginawa ni King. Kainis. Kinikilig ako. Hahaha. Umupo na ako at nag-simulang kumain.

"Shine? Nag-away nanaman daw kayo kagabi?" Napatingin ako kay mommy Caroline. Malungkot sya.

"Sor-"

"It's my fault mom. I get her jealous." Putol sakin ni King.

"Ma-may kasalan din naman po ako. Ang bilis mag-init nang ulo ko." Paliwanag ko.

"King, don't do it again. Alam mong iba mag-selos ang mga mate. Mas nagiging matapang pa sila sa mga wolf." Napatingin ako kay King. Anong ibig sabihin ni daddy Todd?

Sumulyap lang sakin si King tapos ngumiti. What is the meaning of this?

"Nga pala.." Nilagay ni mommy Caroline sa tabi nang plato ko ang isang susi. Tinignan ko lang ito habang nagtataka. "Okay na iyong bahay nyo, pwede na kayong lumipat mamaya." Medyo nagulat ako sa sinabi ni mommy.

"Talaga po?"

"Yes Shine. Doon na kayo dumiretso mamaya, ipapalipat ko nalang ang mga damit nyo pero magtitira parin ako dito in case of emergency. Okay?" Bakit parang malungkot parin si mommy?

"Okay po." Hindi iyong bahay ang naiisip ko kundi ang pagiging malungkot ni mommy Caroline.

"Bakit malungkot si mommy? May nangyari ba sa business trip nila?" Tanong ko kay King nang makasakay na kami sa kotse.

He looked at me. "Akala ko alam mo na." Kumunot ang noo ko. "Malungkot lang sya kasi aalis na tayo sa mansion. She will miss us."

Bakit hindi ko ba naisip iyon? Masaya si mommy noong tumira ako sa mansion. "Pwede parin naman nating silang puntahan diba?" Nag-frown ako.

"Of course Shine. Hindi naman tayo sa ibang bansa lilipat e." Aniya.

Shit! Bigla akong may naisip. Titira na kami ni King sa iisang bubong. Paano na? OMG! Bakit ang green nang iniisip ko? Nakakaloka ka Sunshine! Umiling iling ako.

"What are you thinking?" Napansin siguro ni King ang pag-iling ko.

"Huh? Wa-wala nuh!" Winasiwas ko ang kamay ko. "Nga pala, ano iyong sinabi ni daddy sa pagseselos nang mga mate? Totoo ba iyon?" Pag-iiba ko nang usapan.

"Ah. Iyon ba? Natural lang sa mga luna iyon. Hindi ko din alam kung paano i-explain e. Basta mabilis kayong mag-selos kapag may nakikitang ibang babae ang mga wolf. You have that thing na gustong na sayo lang ang atensyon nang asawa mo." Tumataas taas pa ang kilay nya habang nagsasalita.

Her Husband is a Wolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon