Kabanata 19

14.3K 308 8
                                    

First crush

Nakatitig lang kami sa isa't isa. Walang nagbabantang magsalita, pero hindi na ako makatiis. "Ano? Magtititigan nalang tayo?" Pag susungit ko.

"Okay. Para matahimik ka, sasabihin ko sayo ang side ko. I know you want to know about it, right?" Umupo narin sya sa kama ko.

Hindi ako sumagot at hinintay ang sunod nyang sasabihin. "Hindi ako nagalit kay Ken dahil iniwan nya ako, may iba pang dahilan.." He looked me in the eyes pero hindi ako sumasagot.

"Nung mga bata palang kami, hindi lang sya ang naging kaibigan ko. We have a girl friend before. She's not a wolf, normal lang din sya kagaya ni Ken kaya mas naging close sila. Lagi kaming naglalaro non pero feeling ko, out of place ako sakanilang dalawa. I like Shasha. She's my first crush dahil sya lang ang babaeng kalaro namin.."

"Pinilit kong mas maging close sakanya, pero isang araw bigla nalang syang umiiwas sakin. May nagsabi sakanya ng tungkol sa pagkatao ko. Nalaman nyang wolf ako. Simula non lumayo na sya sakin at napag desisyunan na mag ibang bansa.." Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Kami nalang ni Ken ang laging magkasama, hanggang sa malaman kong gusto nyang mag aral sa ibang bansa para maging Butler pero gusto nya lang sundan don si Shasha. Sobrang nagalit ako sakanya lalo na nung malaman kong sya ang nagsabi dito ng tunay kong pagka tao." I saw frustration in his eyes.

"A-alam ba to nila tita? Bakit gusto nilang maging magkaibigan kayo ulit?" Sa wakas may naisip din akong itanong.

"They don't know about this. Wala silang alam tungkol kay Shasha. Ang alam lang nila ay nagalit ako kay Ken dahil sa pag iwan nito sakin." Sagot nya.

"A-anong nangyari pagka alis ni Ken? Na-nagkita ba sila ni Sh-Shasha sa ibang bansa." Bakit ba nauutal ako? Aish.

Umiling iling sya. "I don't know. Since then wala na akong pakealam sakanila, nag focus sa paghahanap sayo."

Parang natigilan ako sa sinabi nya. Pagkatapos kong malaman na hindi pala ako ang tanging babaeng kilala nya ay bigla may segway na 'nag focus nalang ako sayo.' Bumilis nanaman tuloy tong tibok ng puso ko.

"I know I hurt you and I'm very sorry for what I did. Nadala lang ako nang galit. Natatakot akong pati ikaw agawin nung lalaking yun."

Wala. Sasabog na talaga ako. Grabe na tong nararamdaman ko. Ang init ng mukha pero feeling ko pinag papawisan ako ng malamig. Aish. Ano bang nangyayari sakin?

"Magpa hinga kana. May pasok pa tayo bukas?" Sabi nya tapos tumayo na. Pero bigla kong hinila ang t-shirt nya para hindi sya makaalis.

Hindi ko din alam kung bakit ko ginawa yun. Kyaaa.

"Ano yun?" He asked.

Dahan dahan akong tumayo. "Sila Niel at Red ba wolf din?"

Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. May parte sakin na ayaw pa syang umalis. Ano ba Shine. Hindi ikaw ang first crush nya.

"Hindi. Tao lang din sila at wala silang alam tungkol sa pagiging wolf ng pamilya ko." Diretso nyang sagot.

"Tumango ako. "Ah. Okay."

"May itatanong ka paba?" Tumingin ako sa mga mata nya at umiling.

Pareho kaming natigilan. Tumingin si King sa mga mata ko pero unti unting bumaba ang tingin nya sa labi ko. Tinagilid nya ang ulo nya para mapantayan ang mukha ko. Dahan dahan nyang nilapit ang mukha nya sakin kaya napapikit ako. Mababaliw na ako sa bilis ng tibok ng puso ko. Hahalikan nya ba ako? Ito na ba ang first kiss ko? Nakakaloka.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now