Kabanata 18

13.1K 320 3
                                    

Please

Hinila parin ako ni King papasok sa bahay nila. "Bitiwan mo ako." Daing ko dahil masakit na ang kamay ko. Ang diin ng pagkakahawak nya sakin.

"Go to your room. NOW!" Sinigaw nya ang huli nyang sinabi.

Gusto ko nang umiyak, nag iinit na ang mga mata ko dahil sa pag pipigil kong tumulo ang luha ko. Natatakot na ako sakanya, nag iba na ang kulay ng mga mata nya. Konti nalang magpapalit na sya ng anyo.

"Tandaan mo King, ikaw ang nagmakaawang pakasalan ko. Wala kang karapatang gawin sakin to."

Tinignan ko ang mga katulong na nakatingin lang sa nangyayari. Aamba silang tutulong pero hindi sila pwedeng mangealam.

"I pay for you." Madiin nyang sagot.

"Binayaran ko ang pamilya mo para dito." Dugtong nya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko sya. Biglang naglapitan ang mga body guard nila, nag stay sila sa likod ko, hinihintay kung may gagawin pa ako kay King. I looked at them.

"Mamatay kana." Sabi ko bago tumakbo paakyat sa kwarto ko.

Umiiyak ako habang nilalagay ang mga damit ko sa bag ko. Natakot ako, takot na takot. Paano kung hindi na napigilan ni King ang sarili nya? Baka napatay nya ako? Tapos tutulungan pa sya nung mga body guard nila dahil sinaktan ko sya.

Hindi ko sinama sa mga inempake kong damit ang mga binigay sakin ni tita Caroline. Aalis na ako. Babalik nalang ako sa apartment. Bahala na kung san ako maghahanap ulit ng trabaho. Hindi ko na papakasalan si King, maghanap sila ng ibang babae.

"Shine! Shine!" Tinawag ako ni tita Caroline bago pa ako makalabas ng bahay nila. "Shine! Wag kang aalis..sinabi sakin ni Manang Daisy ang nangyari. Please patawarin mo na si King. Please." Pag mamakaawa nya.

"Tita wag po kayong umiyak." Nataranta na ako nang makitang umiiyak na si tita Caroline.

"Utang na loob, Shine-" Lalo akong nataranta ng lumuhod sya sa harapan ko.

"Tita.." Agad kong binitiwan ang bag ko at pinantayan si tita. "Wag naman po ganito..hindi nyo po kailangang gawin yan." Inalalayan ko syang makatayo.

"Shine, please. Ako nang humihingi ng tawad sa ginawa ni King. Just don't back off the wedding. Please." Sabay kaming tumayo, hinawakan nya ang dalawa kong kamay.

Bigla kong naalala si nanay. Naalala ko nung nag mamakaawa sya sa hospital para lang gamutin si tatay nung maaksidente ito sa palayan. Walang wala kami non. Sobrang sakit makitang ginagawa yun ni nanay sa ibang tao. Ang sikip sa dibdib.

"Shine, maiintindihan mo rin to kapag nagka anak kana. I will do everything for my son." Aniya.

Hindi ko na tinuloy ang pag alis ko. Awang awa ako kay tita Caroline. Sinamahan ko nalang sya sa kwarto nila at hinintay syang makatulog saka pumasok sa kwarto ko. Buti nalang at walang anumang sakit si tita kundi lalo akong magi guilty.

Nilagay ko lang sa ilalim ng higaan ko ang bag kong may mga damit, hindi ko muna binalik sa cabinet ko. Nag shower ako at nagpalit ng pang tulog. Naka uniform pa kasi ako kanina. Pagkatapos kong mag suklay ng buhok, umupo muna ako sa kama ko.

Napansin kong namumula ang kanan kong wrist arm. "Dahil to sa pag hila sakin ni King." Bulong ko sa sarili ko.

Nagulat ako ng biglang pumasok ng kwarto ko si King. "Anong ginagawa mo dito?" Nilakasan ko lang ang loob ko pero kinakabahan ako sa pagdating nya.

"Diba sabi mo dahil sakin yan?" Tumingin sya sa kamay ko. Napansin ko namang may dala syang first aid kit.

"Wa-wala naman akong sinabi ah?" Dahan dahan syang lumapit sakin. Naalala kong bumulong nga pala ako kanina, malamang narinig nya yun. Tss.

Walang pasabi sabi ay kinuha nya ang kamay ko tapos lumuhod. Triny kong iiwas sakanya ito pero mas mabilis syang kumilos. "Saglit lang to."

May pinahid syang kung anong ointment sa wrist ko tapos binalutan ito ng manipis na bandage. "Try not to move your arm always."

"Sa kanan ako mas sanay kaya lagi ko tong gagamitin." Ginalaw galaw ko ang kamay kong bandage.

Nagulat ako ng bigla nya itong hawakan para pigilan ako sa pag galaw nito. "I said don't move it."

Natahimik ako dahil sa ginawa nya. Matagal nyang hawak ang kamay ko habang nakatitig sa mata ko. Ibang iba na ang expression ng mata nya ngayon. Parang syang maamong tuta.

Agad kong kinuha ang kamay ko sakanya at itinago ito sa likod ko. "Hi-hindi ibig sabihin nitong ba-bati na tayo. Galit parin ako sayo."

Tumayo sya habang nakatitig parin sa mga mata ko. "I know. Kaya nga andito ako ngayon diba?"

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now