Kabanata 26

13.4K 277 4
                                    

This is it

Ngayon ang araw ng kasal namin ni King. This is it. Handang handa ang lahat. Hindi kami ikakasal sa simbahan, iba kasi ang tradisyon ng kasal ng mga wolves although may pagkakapareho parin naman sa mga tao.

Ang venue ng kasal namin ay dito sa hotel nila. Kaya ngayon, nandito ako sa isang presidential suite. Dito kasi ako inaayusan, nasa kabilang suite lang din si King. Pero mauuna sya sa rooftop ng hotel, don kasi gaganapin ang kasal, may mini resort kasi sa lahat ng rooftops ng Kasmey Hotel.

Habang mini make upan ako ay matuloy ang pagpapawis ng kamay ko. Ganito talaga ako kapag kinakabahan.

"Relax ka lang." Sabi nung make up artist ko.

Ngumiti lang ako pero hindi parin nawawala ang kaba ko. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Arghhh.

"Shine?" Napalingon ako sa pinto ng pumasok si Minah kasunod si Yvette. "Wow! Ang ganda ganda mo." Dugtong ni Minah.

"Salamat. Kayo rin." I smiled.

Royalties ang wedding theme namin, si tita Caroline parin ang nag isip nun. Kaya naman parang prinsesa sila Minah sa suot nilang mga gown.

Si Minah ay naka kulay pink na tube gown, may ribbon ito sa left side na waist nya. May mga diamond bids pa sa bandang dibdib. Bagay sakanya. Naka kulay violet namang gown si Yvette. Lace ang sleeves nito at bagay na bagay din sakanya. Lalo silang gumanda dahil sa mga make ups nila.

"Ready kana ba?" Tanong ni Yvette, naka ngiti lang sya sakin.

Tumango ako. "Kinakabahan konti."

"Okay lang yan. Mawawala din yan kapag nakita mo si King. Grabe ang gwapo nya sa suot nya." Kinikilig si Minah.

Natawa nalang kami.

"Buti nalang pumunta na kayo. Kanina pa kasi kinakabahan yang si Ms Sunshine e." Sabi ng make up artist ko.

Nginitian lang sya nila Minah.

"Ms Sunshine, start na po tayo." Napalingon kami sa kakapasok lang na organizer.

Dumaloy nanaman ang kaba sa buong sistema ko. "Sige po."

Tinutulungan ako nila Yvette at Minah sa gown ko. Mas lalo kasi itong humaba, pero pwede namang tanggalin kung gusto pero after pa ng kasal. Pati yung ibang make up at hair stylish tumulong narin. Nakalugay lang ang buhok ko, may suot akong maliit na crown kung saan nakakapit ang hanggang baywang kong belo.

"This is it Shine." Bulong sakin ni Minah pagka sakay namin ng elevator.

Ngumiti nalang ako pero patuloy parin ang pag bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan parin ako.

Pinindot ni Yvette ang pinakahuling floor pataas kung nasan ang rooftop. Wala pang isang minuto ay tumunog na ito, hudyat na nasa tamang floor na kami. Lalo akong kinabahan ng unti unting bumukas ang elevator.

Lahat ng tao nakatingin sa pagdating ko. Lahat sila parang galing sa iba't ibang palasyo dahil sa mga suot nila. Ako lang ang tanging nakaputi at si King na para talagang hari sa suot nya, hanggang tuhod ang puti nyang coat, tapos may lining na gold. Nangingibabaw kami dahil sa mga suot namin.

Katabi ni King sila Red at Niel. Parehong haba ng coat ni King ang mga coat nila pero iba lang ng design at kulay, kay Red kulay pula na may white na lining, kay Niel naman itim na may blue na lining. Nakangiti silang lahat sakin.

Nilibot ko ang mata ko sa mga tao, nakita ko ang iba naming professor na nakangiti din sakin, nandun din ang mga classmates namin. Nakita ko rin si Kim pati si Ms Annie na katabi si tita Caroline na mangiyak ngiyak na. May katabi din silang ilang mga oldest. Nakita ko si Mrs Leonora Kasmey ang lola ni King at mama naman ni tito Todd, but King called her wuwa. Yung ibang bisita hindi ko na kilala, mga kamag anak na siguro ng mga Kasmey.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now