Kabanata 36

13.6K 280 5
                                    

Moon

Makalipas ang isang linggo, pinalabas na si King nang hospital. Mabuti na kasi ang kalagayan nya, tapos narin ang mga tests na ginawa sakin nang doctor. Wala na ang mga sugat ni King sa mukha, pati sa ibang parte nang kanyang katawan. Yung tama nya nalang sa dibdib at hinihintay mag-hilom. Mga 2-3 days ang mawawala na daw ito.

"Salamat po." Sabi ko sa bodyguard pagkalapag nya kay King sa sofa.

Hinatid nila kami sa bahay, actually hindi lang hatid, lagi na kasi namin silang makakasama. Bale 4 ang binigay na bodyguard nila mommy Caroline samin, dalawa sa bahay at dalawa samin ni King, lagi naming kasama saan man kami pumunta. Hindi ko alam ang mga pangalan nila kaya B1, B2, B3 at B4 nalang ang tawag ko sakanila. B short for bodyguard.

Pinagmasdan kong lumabas nang bahay si B1. Tapos tumingin na ulit kay King. Kumunot ang noo ko nang maabutang titig na titig sya sakin. "Anong problema mo?" Tanong ko tapos umupo sa tabi nya.

"Wala. Ang ganda mo kasi e." Sabi nya tapos inakbayan ako. Nakakainis tong lalaking to, lagi nalang akong pinapakilig.

"King?" Sinandal ko ang ulo ko sa balikat nya.

"Hmmm?" He answered.

"Pwede ba yun?"

"Ang alin?"

"Yung magkaroon nang relasyon ang wolf sa hindi naman nya mate, tapos nagka-anak pa sila?" Ilang araw narin bumabagabag sakin anv bagay nato. Ngayon ko lang naalalang itanong.

"If the mate have her own relationship. Baka may ibang mahal ang mate kaya hindi masabi nang wolf. Just like tito Lucio and tita Kristine. Dad told us na may boyfriend noon si tita Kristine, mahal na mahal nila ang isa't isa. Tito Lucio can't push himself to her, kaya hinihintay nya nalang na maging single si tita." Aniya.

"While waiting, naghanap nang iba si tito?" Tanong ko.

"Wolf can flirt with other people, but they can't love them like how they feel towards their mate." Paliwanag nya. Tumungo-tungo ako. Biglang hinalikan ni King ang ulo ko. "I'm glad that your free when I met you."

Napangiti ako sa sinabi nya. Ako din, masaya ako dahil wala akong ibang minahal bukod sakanya. Sa mga nagdaang panahon, mas lalong tumitindi ang pagmamahal ko kay King. I will give him everything he deserves.

Kinabukasan, maaga kaming pumasok ni King sa school. Start na kasi nang prelim namin. One week ang ilalaan namin para doon.

"Oy King, pasensya na kung hindi kami nakadalawa sa hospital ah? Busy kasi e." Sabi ni Minah. Nasa classroom na kami.

"I understand." Ani King.

"Kamusta? Magaling kaba tol?" Tanong ni Red.

"Yeah. Itong tama ko nalang sa dibdib ang hindi pa masyado." Ani King.

"Malalim ata talaga yung tama nang bala e nuh?" Sabi ni Niel.

"Ang sama pala talaga nang Ken na yan e. Hindi paba enough yung una nyang ginawa kay King? Sobra na sya." Giit ni Minah.

Kwenento ko kasi sakanila ang nangyari, pero hindi lang yung part na wolf sila. Sinabi nalang na gustong makuha ni Ken ang mana ni King. Ganun din naman yung meaning nang pagiging alpha. Parang mana.

"People have their reasons, Min." Mahinang dugon ni Yvette.

"Kalimutan nalang natin ang nangyari." Sabi ko. Nag-tunguan naman silang lahat.

"Hi King!" Napatingin kaming lahat sa biglang lumapit na si Euphiemia. "Nabalitaan ko yung nangyari, magaling ka naba?" She asked.

"Hindi ka parin ba titigil Vasquez?" Nagulat kami sa biglang pagtayo ni Yvette. "Ang dami na ngang nangyari nandyan ka parin? Alam mo pang hindi ko napigilan ang sarili, ipapakain ko sayo lahat nang contact lense sa mundo." Tinuro-turo ni Yvette si Euphemia.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now