Kabanata 40

12.6K 253 12
                                    

Mas sasaya

"Babe, calm down." Sabi sakin ni King. Nasa labas na kami ngayon ng bahay ng magulang ko.

Hindi ko alam pero kanina pa ako nini-nerbiyos. Nanlalamig ang katawan ko pero nagpapawis naman ang mga palad ko.

"Parang ikaw pa yung unang makakakita sa magulang mo." Ani King.

Tumingin ako sakanya. "Kinakabahan talaga ako, baka magalit sila. Nag-sinungaling ako."

Ngumiti si King tapos ginulo ang buhok ko. "Don't worry. Hahawakan ko lagi ang kamay mo." Gumaan ang loob ko dahil sa sinabi nya.

Tumungo ako kay King, dahan-dahan syang kumatok sa pinto naming gawa sa kahoy. Gawa sa kahoy ang buong bahay namin, may tatlong steps nang hagdan ang aakyatin bago makarating sa mismong pinto ng bahay namin tapos may parang terice dito. Malalayo ang ibang bahay samin, pero halos lahat din ang gawa sa kahoy, malapit lang kami sa dagat. Pero hindi naman kami inaabot ng tubig.

"SINO YAN?" Mas lalo akong kinabahan nang marinig ang boses ni Thunder, ang bunso kong kapatid. Binuksan nya ang pinto. Ganun parin ang itsura nya, kasing kulay ko pero parang mas tumangkad sya.

"Thunder!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko, niyakap ko bigla si Thunder kasabay ng pag-iyak ko.

"Ate? Kuya Kingston?" Nagtaka ako nang kilala ni Thunder si King.

Tinulak ko sya nang bahagya para harapin. "Kilala mo si King?"

Tumango-tango si Thunder. "Oo. Nagka-chat kami sa Facebook."

Tumingin ako kay King. "I contacted him, tinatanong ko sya kung kamusta sila dito, and sinabi ko rin sakanya ang tungkol satin at sa magiging wolf ko para hindi na sya magulat." Nabigla ako sa sinabi nya.

"Sinabi mo sakanya?" Tanong ko.

"Wag ka mag-alala ate, wala pa akong planong mamamatay, ang sekreto ay sekreto. Saka tinupad ko rin yung sinabi ni kuya King na wag munang sabihin ang lahat kina tatay. Akong bahala sainyo." Ani Thunder tapos nakipag-high five kay King.

Close na sila hah?

"DER, SINO YUNG KUMATOK?" Napalunok ako nang marinig ang boses ng nanay ko. Kinabahan nanaman ako.

"Nay!" Sabi ko pagkakita sakanya, galing ata syang kusina.

"Shine? Shine? Ikaw ba yan?" Ani nanay at pinunas sa damit nya ang basa nyang kamay tapos lumapit sakin para yakapin ako. Tumulo nanaman ang luha ko.

"Nay. Miss na miss ko na po kayo." Humihikbi kong sinabi.

"Miss na miss ka nadin namin anak." Sagot nya.

Pagkatapos naming magyakapan ay pumasok na kami sa loob ng bahay. Sakto namang lumabas si tatay galing kwarto. "Sunny?" Ani tatay.

"Tay." Lumapit ako sakanya at nagmano. Nakita kong iba ang tingin nya kay King. Lumunok ako tapos tumabi ulit kay King. "Tay, nay, si King po..asawa ko-" Nabigla ako nang sampalin ako ni tatay sa pisngi.

"CRIS!" Hinawakan ni nanay ang kamay ni tatay para pakalmahin.

Nakita ko ang panlilisik ng mata ni King, nag-igting ang panga nya. Pinisil ko ang kamay nyang hawak ko. He looked at me, tumango ako bilang pagpapahinahon sakanya. Kumalma naman agad sya. Baka mas lalong gumulo kapag nalaman nila tatay at nanay ang tunay na King.

"Kaya ba sobra sobra ang pinapadala mong pera, Shine? Una palang nagduda na kami ng nanay mo, nagpakasal kaba sakanya dahil babayaran ka nya? Bayarang babae ka naba ngayon?" Kitang-kita ko ang galit sa mukha ni tatay.

Her Husband is a Wolf (Completed)Where stories live. Discover now