Bakit hindi ako?

25 1 0
                                    

Bakit hindi ako kahit ako yung una mong nakilala?
Bakit hindi ako kahit ako yung una mong nakausap?
Bakit hindi ako kahit akala ko ay ako ang gusto mo?
Ilang linggo mula ng ika'y umalis, Bigla kong nabalitaan na kayo na.
Yung babaeng hinahangaan ng karamihan dahil sa taglay niyang pormahan
Sa kanyang katalinuhan at talento
Sa kanyang estado.
Hindi ko maiwasan na maikumpara ang sarili ko sa kanya
Ano nga bang laban ko? E marami na siyang napatunayan hindi tulad ko
Pero kahit ganoon sana nalinaw ko
Na kung umamin ako, may pag-asa kayang ako yung ginusto mo?
Maaari kayang ako yung kasama mo magkape sa malayo?
Pwede kayang kamay ko ang hawak mo?
Siguro kung naglakas loob ako,
Ako ang nasa tabi mo at yumayakap sayo
Bakit kasi hindi ako?
Eh di hamak na mas maganda ako.
Pero aanhin ko nga naman ito,
Kung di pa rin ako kayang piliin ng taong gusto ko?

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now