Life as we know it

4 0 0
                                    

Sabi nila "when you are in your death bed, your whole life will flash before your eyes"
Tama nga sila.

I was too fast. Madalas na naririnig ko sa mga taong nakapalibot sa akin. Paano, at the age of 30, I got promoted as a Director- the third highest position in our company. Funny thing is, nung nagsisimula pa lang ako, sobrang nababagalan ako sa takbo ng buhay ko. At the age of 19, I graduated from college and got my first job. 2 years later, wala pa ring pinagbago, mababa pa rin sahod, ganun pa rin ang trabaho. Paulit ulit na lang naging cycle na.

nakakasawa. Nakakatamad.

kaya napagpasyahan kong magresign pero pinigilan ako ng boss at sabi ay ipopromote ako kaya tinanggap ko na, nagbakasakaling may magbago na. Hindi naman ako nagkamali ng desisyon dahil simula noon ay patuloy na gumanda ang career ko. From Admin, to sales assistant at the age of 21 , sales coordinator at the age of 24, management trainee at the age of 25, regional sales manager at the age of 26 and Director at the age of 30.

Age 19:

"Baka magpahinga muna ako kahit isang buwan saka na ako mag aapply" sabi ko sa mama ko. Ilang araw pa lang kasi ang lumipas simula nung grumaduate ako. Gusto kong masulit muna ang pahinga bago ako maghanap ng trabaho dahil panigurado, wala ng pahinga kapag nagkaroon na ako ng work. Pumayag naman si mama at sinuportahan lang ako sa desisyon ko. Hindi kami mayaman, saktong pamumuhay lang, nakakakain ng tama tatlong beses sa isang araw, nabibili yung pangangailangan, may maayos na tirahan at may pamilyang tumutulong pero may pangarap ako para sa pamilya namin. Gusto kong umasenso kami ng hindi laging umaasa sa kamag-anak. Ayun naman ang purpose ko kung bakit ako nagsumikap sa pag-aaral kaya sobrang tuwa ko nung grumaduate ako, salamat sa tulong ng mga kamag-anak at mga scholarship na inaapplyan ko.

Age 20:
Isang taon na mula nung nagtrabaho ako. Wala gaanong nagbago sa buhay ko bukod sa nakipag hiwalay sa akin ang boyfriend ko dahil wala raw akong time sa kanya, hinayaan ko na lang dahil totoo naman. Ayoko ng distraction, magpofocus na lang muna ako sa goal ko. Isang taon na ang nakalipas pero walang pinagbago, kumikita lang ako ng pera, sakto lang pangbudget sa isang buwan pero grabe pa ang pagod bago ko kitain iyon.

Age of 21:

Pagod na ako. Ayoko na ng trabaho ko parang hindi rin naman ako umuusad. Dalawang taon na pero ganun pa rin ang posisyon ko, maliit pa rin ang sahod ko. Kasalanan ng company to, ang pangit ng pamamalakad nila. Nagsimula akong magxapply ng trabaho kung saan sang company at nung may sigurado na akong lilipatan ay saka ako nagpasa ng resignation.

"Pag-isipan mong maigi. Sure ka bang magreresign ka? Nagagalingan sayo yung President, ayaw pumayag na umalis ka" sabi sa akin ng HR Head. Ngumiti ako ng bahagya.

"Opo. Sigurado na po ako ma'am" maikling tugon ko

"Bakit ba naisipan mong magresign? Okay ka naman sa trabaho mo?" Tanong niya

"Okay naman ma'am kaso nakakasawa po kasi, paulit ulit lang po yung ginagawa ko, walang self-growth. Wala pong challenge. Pag nagstay po ako, wala po akong matututunan" honest na sagot ko dahil bukod sa sweldo, yun naman talaga ang concern ko. I took Business Ad dahil alam kong ang trabahong babagsakan ko ay ang pagharap sa mga tao pero iba pala ang realidad, puro papel at comouter ang kaharap ko.

"Sinuggest ni Ma'am to, gusto ka niyang ilipat sa Sales Department as a Sales Assistant. Maganda doon baka magustuhan mo" suhestyon niya at sinabing pag-isipan ko raw maigi. Mabilis kong binigay ang sagot ko na pumapayag ako kaya kinabukasan rin ay nilipat ako sa Sales Department. Napangiti ako ng makarating sa bagong desk ko. Sana naman ito na yung simula ng pagbabago.

Age of 22:
Masaya ako sa bago kong ginagawa, isang taon na ang lumipas simula nung nalipat ako sa Sales Department. Maraming challenges at medyo mahirap ang mga ginagawa pero kayang kaya ko naman, nag-eeffort ako para matuto, lumawak yung mga nalalaman ko, marami akong nakilala at kung saan saan ako nakapunta dahil sa work ko. Naenjoy ko ang ginagawa ko at masasabi kong nasa tamang lugar na ako. Tumaas rin ang sahod ko kahit papaano, nakakapagbigay kay mama ng malaki laki at nakakapagbahagi sa mga kapatid ko tuwing may okasyon. Nakapagsimula na rin akong magpundar ng gamit at makapagtravel gamit ang sarili kong pera. Proud na proud sa aking ang parents ko at ang mga kamag-anak ko. Worth it daw lahat ng naitulong nila sa akin. Nakakatuwang makareceive ng ganung compliment kaya ayun ang naging motivation ko para magsumikap pa.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now