Kabanata

8 0 0
                                    

Tayo'y hindi sinasadyang magtagpo
nagkaroon ng ugnayan na kay labo
Ilang buwan rin nating tinago
at nanatiling ikaw at ako ngunit walang tayo

Magandang simula man ang ating nalikha
Subalit hindi na natin maipagkakaila
na sa huli ay ang alinlangan ang nagmitsa
Kung bakit hindi na tayo nag-uusap dalawa

Marahil karakter lang tayo na dumaan sa isang kabanata,
Na sa susunod na paglipat ng pahina
Ay hindi na ikaw at ako ang paksa
dahil ang isa't isa ay tuluyan ng pinalaya

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now