Tulad ng isang tula

7 0 0
                                    

Marahil tayo ay patapos na,
And dulo ay tanaw na ng aking mata.
Hindi ko na magawang pigilan,
ako'y napagod ng lumaban.

Ang pag-ibig ay tila tulad ng isang tula.
hindi pwedeng ipilit kung hindi na tugma.
Marahil naubos na ang tinta,
kaya wala ng maisulat kahit isa mang talata.

Patuloy man ang pagmamahal sayo
subalit hindi na ito sapat para ipilit ang sarili ko?
Mahal kita, palagi
pero hindi na iyon sapat para manatili.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now