Shade

11 0 0
                                    

Mga taong mapangmata
Dahil ako sa kanila'y naiiba
Sila'y grabe kung manghusga
Akala ata'y perpekto sila

Ang mga taong hindi ko pa nakausap kailanman
Panay puna sa aking galawan
Problema nila saki'y hindi ko malaman
At kung bakit ako kinamumuhian

Pero di kalauna'y aking napagtanto
Na dahil hindi nila ako gusto,
ako'y lalaitin ng husto
Pero ano nga bang paki ko?

Hindi naman sa pagmamayabang,
Pero alam kong ako'y kamahal mahal
Kaya sa taong bastos kung umasal,
tanong ko lang, sayo ba'y walang nagmamahal?

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now