Sa Lugar kung saan nagsimula at magwawakas

22 0 0
                                    

Kasabay ng pagliwanag ng kalangitan dahil sa mga fireworks mula sa di kalayuan ay ang pagtitig ko sa mga mata mo at pagsasabi kung paano kita nagustuhan. Oo, marahil hindi normal para sa iba na magfirst move ang babae pero hindi mahalaga ang iniisip ng iba, mas mahalaga pa rin na masabi ko kung ano yung totoong nararamdaman ko. Napakalawak ng ngiti mo habang nakikipag-usap sa akin dahil hindi mo expect na ako mismo ang magkoconfess sayo. Higit limang oras tayong nakatambay sa overlooking cafe habang umiinom ng mainit na kape. Masaya tayong nagkekwentuhan ng kung anu-ano habang nakatingin sa City lights. Isang napakasayang gabi bago magtapos ang taon. Binigyan mo ako ng nakapagandang ala-ala sa lugar na hindi ko malilimutan.

Limang buwan na pala ang nakalipas mula no'n. Ilang beses na tayong bumalik sa lugar na iyon ngunit sa susunod na punta natin ay marahil iyon na ang ating pagwawakas. Pasensya na at napagod akong mag-intay sayo. Pasensya na at napako ang pangakong magtatagal ako, Pasensya na dahil hindi ko na kayang ipaintindi sa sarili ko na kaya ayaw mong maging tayo dahil hindi ka pa handa.
Ginawa ko naman ang best ko pero hindi pa rin sapat.  Na kahit sumugal na ako, hindi pa rin ako kayang ipanalo ng taong pinili ko. Na ako yung pinili kasi ako lang yung nandyan, na maaaring kapag may pumasok sa eksena na kayang magbigay ng higit sa binibigay ko ay madali mo na lang akong tatalikuran. Siguro kailangan ko ng makaramdam, na kung gusto talaga ako ng isang tao, walang salitang "di pa ready" ang makakapigil sayo. Ayoko ng piliin mo lang ako dahil pinilit ko.

Mahirap umasa na balang araw ay magiging tayo kung hindi ko naman makita sayo na gusto mo ako. Masakit na parang namamalimos ako ng atensyon mo. Oo, Ilelet go na kita, hindi man ngayon pero hinahanda ko na yung sarili ko para sa susunod nating pag punta sa lugar na to, magawa kitang titigan sa mata ng hindi naluluha at deretsong sabihin na paalam na, hindi na kita pipilitin pa.

-She

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now