UNTITLED

7 0 0
                                    

I couldn't chat you or More like I will not chat you. Naintindihan ko na, nauwaan ko na. Hindi talaga tayo para sa isa't isa. Pinilit ko lang yung sarili ko kahit alam kong hindi ako ang gusto mo.
Hindi man ganun kabilis pero makakamove on din ako, bubuksan ko ang messenger ko ng hindi hinahanap ang pangalan mo, masasanay din akong hindi ka na nakakausap. Na gigising at matutulog ako ng walang good morning o goodnight mula sayo.

Tanggap ko na pero kailangan ko lang dahan dahanin. Kailangan ko lang ng closure. Masyadong naging memorable ang siyam na buwan na nakalipas, hindi ganun kadaling kalimutan, hindi ganun kadaling bitiwan. Pero ganun talaga, hindi lahat mananatili, lahat may hangganan, lahat may katapusan, may mang-iiwan, may kakalimot.

Sabi mo nga "salamat kung manatili at salamat pa rin kung hindi" dumaan lang tayo sa buhay ng isa't isa para panandaliang magpaligaya. Marahil tama ka. Ngayong nandito na ang wakas, masakit pero masaya pa rin ako na nagtagpo ang ating landas.

Sana mapagbigyan mo ako, sana ibigay mo yung closure na deserve ko. Sana sa huling pagkakataon samahan mo ako. Pagbigyan mo na sa huling pagkakataon ay mahawakan ko ang kamay mo, sa huling pagkakataon ay matitigan ko ang mata mo , sa huling pagkakataon ay mayakap kita ng mahigpit . Masabi kong salamat at dumating ka kahit panandalian.

Masaya kong nakilala kita kaya sana manatili tayong magkaibigan?

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now