Tears at Night

57 2 1
                                    

Sabi nila humahanga sila sa kanya dahil sa taglay nyang tapang at lakas ng loob.
Madalas ay katatagan ang kanyang ipinapakita, kaya kadalasan sya ay kinakatakutan.
Sa bawat kalokohan, sya ang tinuturong pasimuno. Masaya sya sa tuwing hinihingan sya ng opinyon bago magdesisyon ang iba. Minsan pa nga'y kung ano yung desisyon nya, ayun na rin yung sinusunod ng nakapalibot sa kanya.

Matatag, matapang, palaban, ganun ang pagkakakilala sa kanya pero sa likod ng pagsusungit ay nakatago ang sakit.
Sa bawat "okay lang" ay ang pagtulo ng mainit na luha sa kanyang pisngi.
Sa bawat "wala to!" Daang salita na ang gusto nyang sabihin ngunit hindi nya magawa.
Sa bawat "kaya ko to!" Ay ilang beses na "suko na" ang kanyang naisip.

Pero bakit kahit madami ang nakapaligid sa kanya ay walang tumutulong?
Bakit ba gusto nyang solohin ang problema?
Hindi dahil mapride syang tao, hindi dahil sa ayaw nya ng tulong, hindi dahil wala syang interes magsabi ng saloobin.
Ayaw nyang magkwento dahil alam nyang walang makakatulong sa kanya bukod ang sarili nya.
Isang dahilan na hindi maiintindihan ng nino man.
Dahilan na unti unti syang hinihila patungo sa kalungkutan.
Dahilan na nagpapabago sa kanya.
Dahilan na gusto nyang takasan pero ayaw nyang bitawan.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now