The Day after my Birthday (One-shot)

18 1 0
                                    

Masakit mang iwan ng taong minamahal sa kadahilanang may mga bagay na kahit ipilit niyo, hindi na pwedeng maayos pa pero mas masakit pa rin pala talaga ang maiwan.

Yung tipong hindi mo alam kung san ka nagkulang, saan ka nagkamali, bakit nauwi sa ganto. Bakit ka niya pinagpalit ng ganoon kabilis, na kahapon lang mahal ka pa niya pero kinabukasan may iba na siya.

I had an 8 months on-off romance or sort of relationship with someone. We fought many times, I left him many times and he accepted me many times. Masaya pa rin naman kami kahit ilang beses na kaming naghiwalay. but the last time we tried to fix it, it just didn't work, as per him.

It's March when I decided again.... to end what we had because of one specific reason that complicates our relationship since from the start. One month had passed, he seems happy while I'm still longing for him. So I did what I shouldn't have done.

"Kita tayo, pwede ba?" I asked him thru text. Malapit na rin kasi matapos ang working hours. I'm expecting na makausap ko siya. I just miss him so bad!

"May game kami eh" he replied. Oo nga pala! Liga sa lugar nila and his team is one of the participants. His answer meant rejection, I accepted it gladly dahil wala naman akong choice kundi tanggapin na lang yung cold treatment niya. Who wouldn't be? I left him again even i promise I will not to.

"Okay sige. Goodluck sa'yo" I texted back. Hindi na siya nag reply so I guess that he is really over and it saddens me. An hour later, malapit na ako sa bahay namin when my phone beeps and my heart starts thumping real hard. It was him. He texted me.

"Nasaan ka na?" He asked.

"Malapit na sa bahay. Ikaw?" Tanong ko

"Nandito sa katrabaho" simpleng sagot niya.

"Akala ko ba may game ka?" I asked curiously

"Di na muna ako maglalaro. Nakauwi ka na pala.. akala ko magkikita tayo" reply niya.

"Pwede naman akong bumalik" mabilis na reply ko.

"Sige. Saan tayo?" Tanong niya. For that moment, naging masaya ako baka kasi magawa kong ayusin muli yung samin. But this time, sigurado na ako. No more what ifs, no more back and forth.

"Kahit saan basta makausap lang kita" sagot ko.

"Wala akong dalang extra helmet" sabi niya kaya sabi ko doon na lang sa bar na pinupuntahan namin lagi. Around 8:30 ng magkita kami doon.

"Kamusta na?" Panimulang usapan namin.

"Okay naman." Sagot niya at kinwento ang bagay na madalas naming pagtalunan ay ngayon tapos na. Bahagya akong nakonsensya dahil baka ako ang may kasalanan kaya nagkaganoon pero pinaliwanag naman niya sa akin na hindi ako ang may kasalanan. Na hindi ko dapat sisihin ang sarili ko. Pinakinggan ko ang sinabi niya, naniwala ako na hindi nga ako ang may kasalanan. Sa pagkakataong yon, sumaya tong puso ko sa kadahilanang baka mahal niya nga talaga ako? kasi nagawa niyang makipagkita sakin kesa umattend sa liga nila.

"Mahal mo pa ba ko?" Tanong ko sa kanya. Sandali siyang napahinto at nagpaliwanag.

"Ilang beses na tayong naghiwalay" sagot niya kaya napakunot ang noo ko.

"Oo o hindi lang ang sagot sa tanong ko. Tatanggpin ko naman kung ano yun magiging sagot mo e" sabi ko.

"Ilang beses na kasi talagang nangyari to. pag magulo isip mo, iiwan mo na naman ako. Lagi na lang tayong nagtatalo———" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Alam ko na kasi ang sagot, obvious naman e. Ang sakit na hindi niya na kayang sabihin na mahal niya ako. Na wala na nga siguro talaga.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now