Angkas

10 0 0
                                    

"Wag kayong makikiangkas sa may mga motor baka kayo ay mafall" sabi nung kaibigan ko
Natawa lang kami dahil sa kabiterang taglay niya
Pero tangina, pati ako pala mabibiktima
Itong tulang to ay pinamagatang angkas

Sa pagangkas ko sa motor niya nagsimula ang lahat
Ang saya, ang sakit, ang kilig , ang pighati, ang ngiti at ang pait
"Kuya! Pa angkas!" Simpleng salita pero doon lahat nagsimula
Sa pag angkas ko, napabilis ako sa pupuntahan ko
ngunit sa pagangkas ko ay napalapit din ako sa puso mo
Sa pag angkas ko, nadama ko ang malamig na simoy ng hangin
Ngunit sa pag angkas ko nadama ko din ang init mo
Sa bawat pag angkas ko, nahuhulog ako.
Nahuhulog ako sayo.. nahuhulog ako sayo ng unti unti hanggang sa ako ay iyong sinalo.

Sa tuwing ako ang iyong angkas,
takbo mo ay bumabagal, byahe ay tumatagal ngunit tibok ng puso ko ay bumibilis
Daig pang nasa karera sa tuwing sayo ako'y malapit
Pinasoot mo ako ng helmet para safe ako.
pinoprotektahan nito yung ulo ko pero hindi nito nagawang protektahan yung puso ko mula sayo

sabi mo kumapit ako sayo ng hindi ako muhulog pero bakit sa tuwing kakapit ako, lalo akong nahuhulog... hindi nga lang sa motor kundi sayo

"Bakit sa kanya ka umaangkas?" Tanong nila sakin. Simple lang naman yung sagot.

kasi gusto kong makasama ka
gusto kong makausap ka
gusto kong matitigan ka
gusto kong mapalapit sayo
Kahit sa tabi mo na lang, kahit hindi na sa puso mo
Alam ko naman kasing hindi na ako pwede diyan dahil may umuukupa na

Kaso ang tanga ko dahil nagpadala ako.
Ang gago ko kasi nakalimutan kong nakikiangkas lang ako, na pagdating sa dulo ay kailangan kong bumaba at maglakad palayo. Palayo sa iyo. Palayo sa puso mo. Palayo sa buhay mo

Sana nilinaw ko, sana hindi ko kinalimutan na ako ay nakikiangkas lang sa motor mo at hindi sa buhay mo
Sana tinanong ko muna kung may nagmamay ari na ba sa inuupuan ko
Sana naisip ko na nakikiangkas lang ako pero may permanente ng nakaupo don sa pwesto ko
Kasi huli na, Huli na ng malaman ko na hindi na pwedeng maging tayo
Huli na ng malaman ko na wala siya kaya pinasabay mo ako
Huli na ng malaman kong may nagmamay ari na sayo 
Huli na ng malaman ko.... kasi hulog na hulog na ako

Pero wag kang mag alala, bababa na ako
Pakibaba mo na lang ako sa tabi, hayaan mo na lang akong tanawin ka sa malayo
Hayaan mo na lang na pagmasdan ka habang ikaw ay papalayo
Hayaan mo na lang ako hanggang sa hindi ko na maaninag ni anino mo

Gusto ko na lang maglakad
Kaya sisimulan ko na, sisimulan ko ng maglakad papalayo sayo
Sisimulan ko ng maglakad at hindi na lilingon pabalik kung saan ka dumaraan
Sisimulan ko ng maglakad at sisiguraduhin ko na sa bawat hakbang ko ay ang paglimot na umangkas ako sayo, na umangkas ako sa buhay mo

Maglalakad na lang ako, kahit nakakapagod, magtatyaga ako
Baka kasi sa paglalakad ko, mapagod ako... mapagod tong puso ko sa pagmamahal sayo.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now