Kaibigan

5 0 0
                                    

Matagal sayong hindi nakipagtalastasan.
Wala rin kahit tipikal na kamustahan
Bigla na lang akong naglaho at 'di alam kung pasaan
Subalit nung ika'y kailangan at nanatili kang kaibigan

Ikaw ang nalapitan-
Nang panahong walang makapitan
Noong walang nais makinig,
walang nagtangkang tumindig.

Nariyan ka hanggang sugat ay maghilom
Inihayag ang mga kwentong naipon
Akala ko'y wala ng babalikan
Simula nung huli kong paglisan.

Salamat at nanatili ka,
Kaibigan ko ng higit isang dekada.
Lagi kang nandyan at nakasuporta
Asahan mo na mananatili ako, ika'y makakaasa

Dedicated to my bie, Arlyn Recto.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now