MASAYA

17 0 0
                                    

Masaya- sapat na ba para manatili pa?
Kung ang salitang yan ay 'di ko madama.
Pinilit kong tanggapin, unawain-
ngumit hindi na nito kayang pawiin
ang pangamba, na hindi mo ko magawang bitiwan,
dahil ako lang ay iyong kailangan;
Hindi dahil ako'y iyong mahal,
kundi ako lang ang naglakas loob sumugal.

Atensyon mong pilit kong kinuha;
sakit lang ang aking natamasa.
Marahil nga ika'y masaya,
ngunit ako'y gusto ng lumaya.
Lumbay na aking nadarama
ay marapat na huminto na.
Kaya mahal pasensya ka na,
Ika'y akin ng ipauubaya.
Hindi kung kanino, kundi sa tadhana.

Ipagkakatiwala na ito na ang bahala-
kung saan tayo dadalhin ng agos,
kung tayo ma'y matatapos.
Marahil ako'y napagod ng mag-intay;
kung kailan mo ako handang piliing tunay.
Napagod ng magbakasali
Kaya ang aking pangako ay mababali;
Pangakong hindi kita iiwan kahit magulo na'to
Na patutunayan ko na magtatagal ako.
Pasensya na, hindi ko na kayang ipilit pa.
Pasensya na, ako'y napagod na.
Sa gitna ng kumusta at paalam, andoon ang saya
Kaya Salamat pa rin dahil nakilala kita.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now