Estranghero

7 0 0
                                    

Ika'y dumating sa 'di inaasahang panahon,
Ika'y ginusto sa 'di sinasadyang pagkakataon.
Nagseryoso agad kahit hindi naman ako ganon
Ibang-iba sa kung ano ako noon.

Sa tuwing kasama ka ay iba ang saya
Napakagaan ng pakiramdam sa tuwing yakap ka.
Tila mga problema ay nawawala.
Kaya nais ko na lagi ay ikaw ang kasama.

Hindi man maiwasan ang pag-aaway at pagtatampo
Tayo'y magkikita pa rin kahit malayo
hihingi ng tawad wag lang lumala ang pagtatalo.
Kahit sabihin pa nating wala namang tayo.

Nagulat man ang iba-
nang malamang may namamagitan sa ating dalawa.
Ngunit kahit ano mang sabihin nila,
wala akong paki dahil sakin ika'y nag-iisa.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now